Archive for the Category »emo mode! «

Aug
14

habang tumatanda ako, ay mali bata pa pala ako ehehe.. habang tumalaki ako, teka parang hindi naman ako lumaki kase yung size ko 10yrs ago ay ganun pa rin till now ahaha, sige habang nag kakaisip ako wait lang may isip naman ako kahit nuon pa ah!! haiii habang nagmamature ako. ayan swak na! ahahaha.. sige tuloy na ang kwento Smile yun nga, habang nagmamature ako narerealized ko na isang napaka kumplikado pala ang salitang trust o pagtitiwala.. totoo.. madali etong sabihin, yah i trust you. pero minsan ang hirap pala panindigan kase tao eh, hindi tayo diyos na alam ang ginagawa ng lahat 24/7 at iniisip ang nasa utak ng mga taong nakapaligid satin, kaht pa ng mga taong mahal natin..  kaya bigla ko naisip, ang hirap pala maging judge sa korte, kaya pala nag babase lang sila sa mga ebidensya, sa mga testigo, at statements ng bawat nasasakdal. at binubusisi talaga ng mabuti ang mga pangyayari. kase hindi naman madali ang magbigay ng hatol dahil wala tayong kakayahan na basahin ang nasa utak ng iba..

ako ang taong madaling magtiwala, kase iniisip ko ano naman ang magiging dahilan nila para magsinungaling or traydurin ako.. ang sama nun.nakakahiyang gawin.. at hindi ako ganun ako.. pero tama nga sya.. hindi porke hindi ka ganun ay magiging malinis din ang tingin mo sa iba.. ilang billion ba ang tao sa mundo? ang mundo ay hindi isang paraiso na puno ng mabubuting nilalang..

at isa sa pinaka masakit na pagdadaan mo sa buhay ay ang pagsisisi.. regrets..  pero hindi yun maiiwasan. sasabihin mo sana hindi ko nalang eto ginawa, sana hindi nalang nagbigay ng sobra, sana ginawa ko nlang eto. maraming sana… pero hindi dapat.. dahil ginusto mo yun kaya ginawa mo kaya bakit mo pagsisihan ang isang bagay na ginawa mo dahil ginusto mo diba?.

minsan may mga taong ginagawa nalang ang gusto nilang gawin para hindi sila masaktan, hindi nila iniisip kung tama pa ba o hindi. nananalo ang puso sa utak. at eto ang mga taong mahina.. at mayroon namang mga taong ginagawa nila ang tama at dapat kahit pa ang  kapalit ay ang masaktan sila ng sobra sobra dahil pinaiiral nila ang utak bago ang puso. at sila ang mga taong malakas, matibay at matapang na harapin ang ikababagsak. hindi madali ang masaktan, pwede mo eto ikamatay pag hindi mo nakayaan kaya hindi mo masisisi ang iilan na sundin ang sinasabi ng puso kahit pa ang kapalit ay hindi na tama…

isipin mo nalang na nakayang mong lagpasan ang sakit na pinagdaanan mo nuon bakit hindi ngayon? sa dami ng tao sa mundo hindi lang ikaw ang nasasaktan, kung sila nga nakakaya nilang dalhin bakit hindi mo makakaya db? at ang walang kamatayang everything happens for a reason na lubos kong pinaniniwalaan.. na minsan iniisip ko sa panahong ganito na sana dumating na yung reasons na yun, nakakainip mag hintay ng sinasabing dahilan kung bakit ka nasasaktan ngayon.. bakit kailangan mo munang mamatay bago mo makuha ang sagot?

sabi sa stat ng wag na u sad, andito na me page sa fb.. (paki like na din) ahahaha.. —>Why am I crazily crying for just one person? Not knowing that there are a lot of persons doing the craziest things just to make me smile. Smile —-> yah tama! pero kung iisipin mo din kaht pa ilang million na tao pa ang gustong magpangiti sayo kung iisang tao lang ang nagiging dahilan ng bawat ngiti mo. its useless!!! minsan nakakatawa nalang yung mga quotes na pwedeng magpaluwag ng bigat ng pinagdadaanan mo, pero ang RIYALIDAD ay hindi ganun kadali ang buhay at hindi ganun kadali ang masaktan….

Jan
15

This post is password protected. To view it please enter your password below:


Category: emo mode!  Tags: , , , , , , , , ,  Enter your password to view comments.
Jan
14

siguro kung nagsasallita lang blog ko sasabihin nya ” heto kana naman, pinapansin mo na naman ako porke kelangan moko! ” at may kasama pang tse! ahahha..

wala akong gustong mapagbuntungan, kahit mga kaibigan ko at taong mahal ko ayaw kong labasan ng tae ko ahahah.. naka ilang ulit naba nangyari eto? kaya naman here we go again!!! sa pagkakataong nasasaktan, nalulungkot, naghihinayang, nagsisisi.. ilang beses na nga ba ako nagsisisi sa mga nagagawang kong hindi ko sinasadya?? me and my big mouth!!! yah alam kong literal na malaki ang mouth ko ahhahaha. pero mas nakakainis ang laki ng sama ng lumalabas dito minsan pag nasasaktan at nagagalit at kung sinasaniban ay pag iinarte lang Smile

saan na nga ba ako pupunta ngayon??? panindigan ang desisyong ginawa ko kahit nasasaktan o ayusin ang sinirang nagawa para maging masaya uli??

hindi ko alam! basta ang alam ko nakasakit ako at ayaw ko nang makasakit muli.. lalo na sa taong pinakamamahal ko.. makokontento nalang akong titigan ka sa kalayuan, yakapin ka ng pagmamahal ko at halikan sa tulong ng hangin na pareho nating nayayakap..

mananatili akong pwepwesto kung saan mo huli akong iniwan.. kapag dumating ang panahon na maghilom ang mga sugat at pagmamahal ang mangibabaw.. kalabitin mo lang ako at higpit ng yakap ang isasalubong ko sayo.. sa tamang panahon at pagkakataon alam ko magsasalubong ulit tayo dahil alam ko at nararamdaman ko na.. WE ARE MEANT TO BE..

isa lang ang taong gusto kong makasama ko sa pag baba at pagtaas ng araw/buwan.. IKAW..

salamat sa mga ngiting nagpapatatag sakin...
Jan
13

okey… bakit ba okey ang title nito? wala kasi akong maisip na title.. well actually ang posteng eto ay epekto ng panunuood ko ng livestream ahahha.. dahil may napanuod lang ako sa livestream(last nato) Smile at topic nila ay tungkol sa pag ibig. gusto kong sumali sa conversation nila pero malamang pano ko magagawa yun diba? buti nalang may blog ako kaya sige dito nalang ilalabas ang aking opinion Smile

isa sa tumatak sa isip ko ay ang katanungang..

—> paano mo nga ba malalaman kung sya na ang para sayo?? ibig sabihin paano mo malalaman na yung minamahal mo ngayon ay sya na ang itinakda para sayo??

…… well i guess madali lang naman maramdaman yun eh.. naniniwala ako na ang pagmamahal ay nag fafade din sa paglipas ng panahon at maaari din mag fade eto pag hindi kana napapasaya ng iyong bf/ gf.. relationship is not just about love, kailangan mo din eto paghirapan or you need to work it out. hindi lang dapat nagdedepende sa pagmamahal na meron ka.. KAYO.. you have to make sure na napapasaya mo ang ka partner mo.. dalawa kase ang kaligayahan sa isang isang relasyon, meron yung masaya ka nalang dahil mahal mo sya, dahil kasama mo ang taong mahal mo. at ung isa ay masaya ka dahil hindi lang mahal mo sya kundi dahil napapasaya ka rin nito.. we always have to keep in mind na kumapit ka sa relasyong hindi ka lang masaya dahil mahal mo sya kundi dahil nagagawa ka nyang pasayahin.. and thats what we called “healthy relationship”… kase pag kumapit ka nalang sa isang relasyon ng dahil lang sa mahal mo sya dito dumadating ang mga 3rd party, dahil kapag nakakita ka ng taong kaya kang pasayahin doon pumapasok ang confusion. at once na meron nito sa isang relasyon ibig sabihin lang na hindi matatag ang pundasyon ng relasyon.. at yun nga ay dahil hindi mo napapasaya ang partner mo..

sa dami ng sinabi ko.. isa lang ang sagot sa katanungan na nabanggit ko.. kundi… “malalaman mong sya na ang taong para sayo kapag sa kabila ng lahat, ng pagkukulang, kahinaan, at lumipas man ang panahon ay mararamdaman mong hindi nagbabago ang pagmamahal mo bagkus ay lumalalim pa eto” maaring sounds funny sa iba lalo na sa mga taong hindi pa nakakaranas ng pag ibig na wagas.. naks!! hayufff ano bang sinasabi ko! ahahaha.. okey! forget it Smile

-—-> maaari mo bang maging kaibigan ang ex mo?? ikaw kaya mo ba? ehehe….

……. well in my case ahaha.. tsk! Smile lahat ng ex ko ay kaibigan ko.. true! minsan hindi maiiwasan na mapag usapan ang nakaraan nyo pero kapag wala na talgang feeling ay pagtatawanan mo nalang.. sbi ko nga, minsan akala mo mahal mo pa pero ang totoo ang pinagsamahan mo nalang ang mahal mo Smile
but some cases, may mga taong hindi kaya dahil ang sabi bumabalik daw ang feeling kung maging magkaibigan pa kayo, hmmm kung pareho kayong single, yah maaari. pero kung pareho ng my bagong jowa, hindi rin lalo na kung masaya na kayo pareho sa mga bago nyo db?
pero meron namang talagang kahit anong mangyari ay wala na ang feeling at dun nagsisimula ang isang mabuti at magandang pagkakaibigan Smile
pero we have to admit na mahirap i achieve to kase lalo na pag may mga bagong jowa na kayo dahil siguradong magseselos ang gf/bf ahahhah.

-—-> if you love her/him set her/ him free?? hmmmm magpaka hero? Big Smile

….. well in my opinion, if you love someone you have to fight for it.. dahil sabi nga ni bob ong.. Kailangan mong libutin ang buong mundo para lang makaharap ulit ang taong tinalikuran mo.. dahil sa kahit saglit na pagtalikod mo marami ang maaring mangyari…

pero pag totoong mahal mo ang isang tao, wala kang hangad kundi ang kaligayahan nya.. kaya kung kaligayahan nyang wala ka sa buhay nya i guess d’yan lumalabas ang if you love someone set her/him free Smile

( your smile brings smile to me… kaya ng makita kitang masaya no bitterness, masaya ako para sayo coz you deserves it) Smile

OKEY… TAKE IT WHATEVER’S MEANT FOR YOU.. Smile

and you are to me…
Sep
23

im speechless…

though…

my heart wants to say plenty of words..


IM SORRY….

million times of sorry..

sorry coz i’ve been stupid on that moment..
sorry for being insensitive for many times..
sorry for being careless in every words i say…
sorry for ruined your day at all times..
sorry if i didnt even bother to make you feel better
coz i felt ashame on myself..
i felt like i wanna disappear infront of you..
and just be gone forever…

BUT YET…

thank you for all the love that you’ve given me…
thank you for all your kindness…
thank you for all the efforts that you’ve showed me…
thank you for being my happpiness…
thank you for all your patience…
thank you for appreciating my sweetness…
thank you for accepting my weaknesses…


what ever it is.. what ever happened…

i just wanted you to know that…

i love you.. and i will always choose to love you…

..I LOVE YOU MINE..

and

..i’ll be your’s forever..


ps.
ill give you all the space you needed..

Aug
26

i love… hearing your voice…..

i love …watching you on livestream…..

i love… it when you greeted me on air…..

i love… talking to you….

i love… the song you gave me…..

i love… when you calls me ganda…..

i love… everytime i call you mine….

i love…the way you call me mine….

i love… how we started as friends….


but there’s one thing i hated….

and that is….

the fact…

that you’re not actually….

MINE!….

Aug
14

why do we need closure after the break-ups??

does it really help you to move on??

before the closure:

wala akong ibang hiniling kundi ang makausap ka,masabi sayo ang lahat lahat ng nararamdaman ko… kung paano, saan, kailan, ano ang nangyari sa atin nuon.. pero sampung buwan.. sampung buwan kang nanahimik, tikom ang mga bibig na pinagdamot ang kalayaan kong maunawaan ang lahat.. nag libang ako, madaming nakilala, madaming dumating pero mabilis din namang umalis. pero sabay ng pag alis nila sa buhay ko ay ang pakiramdam ko para sa kanila. pero bakit  sa tagal ng panahong eto at sa dami ng nangyari ay hindi pa rin maalis ang mga tanong namamagitan sa ating nakaraan… iniisip ko, closure ba ang hanap ko??

while the closure:

eto.. eto na ang pinakahihintay ko! hindi ako makapaniwala,bilis ng pintig ng puso, habol ng hininga, panlalamig at excitement…. yan ang mga naramdaman ko nang mga oras na eto. para akong shot gun na walang tigil sa pagtira ng gatilyo. hindi ko mapigilan ang sarili kong ilabas lahat lahat ng gusto kong sabihin sayo (eh maimbak ba naman sya ng sampung buwan) na halos wala na akong pakielam sa paliwanag mo, ang mahalaga ay ang mga sasabihin ko. pero nagtyaga kang makinig (hindi ko alm kung nakinig ka or sadyang busy ka lang) at wala pa rin akong pakielam basta pakinggan mo lang ULIT ako. naintindihan mo ang pinagmulan ng himutok ko nuon.(naintindihan mo nga ba?)

hindi man malawak ang pag uusap na iyon, marami mang hindi pa naliwanagan. sapat na para sakin na nalaman mo ang panig ko at ang panig mo. nakakapanghinayang lang na sa hindi pagkakaintindihan lang talaga nag simula ang lahat, pero gaya ng sabi tapos na, nangyari na. hindi na maibabalika ng nakaraan. at pareho lang tayong nabuhay sa sakit.

after the closure:

ang tanong…. nakatulong ba sakin?
nakatulong ba sa iyo?
gumaan ba ang pakiramdam ko nang masabi ko lahat ng gusto kong sabihin at marinig kang muli?
mararamdaman ko na ba ang peace of mind na hinahanap ko?
dapat ba akong matuwa na malalakbay ko na ang buhay ng walang naiwang tanong saan,paano,bakit at ano?

or dapat ba akong malungkot dahil may closure na, tapos na,stop, the end na ang meron tayo?

KELANGAN KO BA MAGTANONG AT NAGDEDECIDE NA NAMAN AKO AGAD AGAD?

Aug
02

shaks! AGOSTO NA!

bakit ang bilis ng araw?? BAKIT?!

masasabing kong agosto ang pinaka espesyal na buwan para sakin maliban sa hulyo dahil sa aking kaarawan Grin, espesyal dahil nasanay akong icelebrate ang aming anibersaryo ni 10yrs tuwing sasapit ang ika 15 ng agosto. ahihihi.. pero maliban duon ay nuong nakaraang taon ng agosto naganap ang masasabi kong isa sa pinaka masayang araw ng buhay ko (isama na ang setyempre) Evil Grin at ngayong taon sana ay magaganap uli ang maaring masayang buwan ng taon ko kung hindi ko pinalagpas (mula sa previous post) Fingers Crossed

napakabilis ng panahon, isang taon na ang nakakalipas mula ng naganap ang magandang ala-alang iyon Cry sana my time machine, sana pwede mag wish na ibalik ang panahon, sana pwedeng mag take two. sana sana sana.. pero ang nakaraan ay nakaraan na, mahirap ng bumalik or should i day hindi na maaring maibalik.. bakit kung gaano kabilis ang mga nangyari(pagmamahalan) kasabay ng bilis ng pagpapaalam ay sya namang bagal ng pagtanggal ng pananabik sayo? parang isang tinik na nakaharang na walang sinumang makapag paalis nito? bwiseeetttt…

tuwing sasapit  nalang ba ang agosto at setyembre ay mangungulila ako sayo? kung ganun, pwede bang ihiling na tanggalin nalang sa kalendayo ang dalawang buwan na nabanggit ko..(tama! pag my dumaan na wishing star ay yun ang hihilingin ko) ahahaa..

kaya naman… asahan na ang ma emote na si kayedee sa darating pang araw! (shaks! wag nman sana).. please bear with me… sorry for the inconvenience… Evil Grin

p.s
hindi eto entry para sa KM espesyal edisyon ROTFL

Jul
30

ako’y lutang.. ako’y nahulog sa bangin.. ako’y lito..

gaano ba kasaya ang pakiramdam na alam mong mahal ka ng taong mahal mo??

gaano ba kasarap pakinggan ang salitang mahal kita na magmumula sa taong gusto mong sabihan neto??

pero alam mo ba ang sakit na dulot nito dahil alm mong hanggang duon na nalang yun?…  salitang pwedeng bigkasin.. pakiramdam na masarap yakapin…

saan ba dapat lumugar??

sa  TAMA or GUSTO mo…

sa UTAK or PUSO mo…

gusto kong sabihin na wala akong pakialam sa sasabihin mo! wala akong pakialam sa sasabihin ng iba! dahil ang pakialam ko lang ang sasabihin ng PUSO ko!….. pero…. mahina ako sa konsenya ko!

kaya kong tanggapin ang nakaraan mo pero hindi ang kasinungalingan mo!

im HOPELESS but not DESPERATE
im BLIND but not DAMN
im MARTYR but not STUPID

kakalimutan ko ang mga nangyari.. kakalimutan kong nararamdaman ko.. but i wont forget your ILOVEYOU… a single word that will stick in my heart and stay’s tattoo in my mind..

hanggang dito nalang..

im sorry……