Aug
06

eto ba’y may katotohan o kathang isip lamang?

maraming nagtataka, nagdadalawang isip, nabibigla, nagdududa at kung minamalas ka pa ay may mkakasalubong kang magtataas ng kilay at manghuhusga. pero kung swe-swertehin naman ay may mga mamamangha kung bakit at paano nagaganap ang ganitong klaseng relasyon at pagmamahalan.

paano nga ba nabubuo ang pagmamahal sa isang virtual world?
paano mo mamahalin ang isang tao ng hindi mo pa nakikilala ng personal, nahahawakan at minsan pa nga ay ni hibla ng buhok ay hindi mo alam dahil sa hindi mo pa nakikita. masasabi mo bang may pagmamahal na pwedeng maganap dito?

sapat na ba ang bawat tipa para maging daan upang mapahatid ang pagmamahal?
sapat na ba ang ang mikropono ng kompyuter upang iyong marinig ang mga boses na nangangatog sa panananabik sayo?
sapat na ba ang mga litrato o webcam para maramdamang kapiling ka?
sapat na bang ang mga puso lamang ang nangungusap?

maaaring eto ang pinakamahirap at komplikadong relasyon na pwede mong pasukin, pero ano bang pinagkaiba nito sa relasyon na magkasama? na nahahawakan ang pinakamamahal mo? na nasasabi mo sa mga mata nito kung gaano mo sya kamahal? MERON BA?

WALA! dahil ang pag ibig ay nanggagaling sa puso hindi sa kilos.. maaring magsinungaling ang bawat kilos mo pero hindi ang sinasabi at dinidigta ng puso mo.

masasabi kong ang ganitong klaseng relasyon ay kahanga hanga dahil kinakailangan ng matinding katatagan, buong pagtitiwala, at purong pagmamahal na sapat ng sabihing PAG-IBIG.  pag-ibig na syang pinakamalakas na emosyon at pinaka makapangyarihan na maari mong makalaban. nang walang maaring makapag hadlang, kahit pa ang layo at distansya sa taong minamahal o kahit ang mga matang mapanghusga..

kaya kahit hanggang universe ang layo mo at nasa loob lamang ng birtwal na mundo nagaganap ang pagmamahalan ay tunay na PAG-IBIG ang namumutawi na nadadala sa reyalidad ng mundo na ating ginagawalan.

alam kong ang  pag -ibig na nabubuo sa BIRTWAL NA MUNDO ay sa RIYALIDAD din ang tungo!

p.s…walang pakialamanan sa birtwal word ko ahaha.. LOL  ang boboto sakin may chocolate! ahahaha Evil Grin

You can follow any responses to this entry through the RSS 2.0 feed. You can leave a response, or trackback from your own site.
170 Responses
  1. unni says:

    2nd base muna hehe Kiss

  2. unni says:

    naks naks naks~~
    pwede makarelate ng 1000000000000000000MILLION times????/
    halab it ter,,galing ah may pinaghuhugutan????shaks ter labs na kita dahil gumawa ka ng ganitong topic hehhe,,,dahil jan maraming kissss at higsss ang chocolates ha wag mong kalimutan kaw number 1 ko heheh Kiss Tiger

    • kayedee says:

      ahaha. ako may pinaghuhugutan?? wla kaya! ahaha ROTFL

      shaks! milliones tlga ang relate mo ter? nyahahhaha ROTFL ang adik!.
      terrrr hnd pde sau chokolate.. mag tea kalang! ahhaha peace! Kiss ROTFL ROTFL

      • unni says:

        ako na ang mataba at kailangan mag bonggang bonggang tea adik much hahaha,,,,
        kakakain ko lng ng tsokolate ter hahahaha… Razz

        • kayedee says:

          ahahha. kht na terr beautyness pa din! ehehe. bkit sa web ter hnd??? ahaahha…

          panay kc chokolate e! Razz

          • unni says:

            bwahaahha..ok n ako sa katawan ko ngaun pero dapat next year kasing payat ko na si barbie(doll) hahahhaa…. Laugh

          • kayedee says:

            ako hnd ok sa ktwan ko ter! ahaha. waaaa bkit ter EB nb next yr?? ayieeee In Love

          • unni says:

            hmmm EB ba????di ko alam dapat kasi payat na ako bago mag 30 hahahaha,,waahhh tumatanda na ako ter ai tau pala lols~~

          • kayedee says:

            hala idamay pako!! ikw lng ter! ahahaha.. ROTFL

            na xcte ako sa EB nyu ter!!! waaaaa ROTFL

            ako pala dpt mataba na bago mag 30! ahaha Laugh

          • unni says:

            sinong ka EB ko at maeexcite ka talga hehehe,,,,
            waaahhh ter pataba ka na ng konti para sexy bwahahha,,,
            hamishu ter mwahhh

          • kayedee says:

            nyahhha. cno pa bang pde ung maka eb? my ssbhn sana me kaso baka my makabasa! ahahaa.. ehh pano ba ang epektibong pagpapataba ter? ung mabilisan. ehehe,

            hamishu tu ter! mwahugz! Wink

          • unni says:

            sino nga ba?lols~~pati tuloy ako naexcite saglit sino kaya yunbwahhaa
            naku ter kain lng ng kain
            tulog lng ng tulog at madepress ayun dali kang mananaba gaya ko lols~ ROTFL

          • kayedee says:

            waaa.. maang maangan! ehehe.

            naku ter ano kaba! kaya nga me pumayat dahil sa stress! kc pag stress me, wala me ganang kumain, aktwali kht hnd stress ahaaaa.. at kung maaga me m22log paano na ang virtual world ko? edi namiz moko! ehehehe Airplane

          • unni says:

            sige ter pakilla mo ako sa makakaeye ball next year bwahahaha..
            aruy aruy matulog ka kasi ng maaga minsan pa miss sa mga fans mo online hahaha…
            hamishu ter musta ang car na hella dirty ?hehehehe..
            at kumain ka ng madaming madami ter heehhe Kiss

          • kayedee says:

            wahaha.bkt deny to death ka ter? my nkkbsa ba?? nyahahaha.

            eh ter kulang ang arw q ng hnd kau nkakausp!shaks! eheh. pro now wlang ol Frown kc bz c pc e!

            shaks! pxenxa nman nag iinarte aq sa twitter ter! hella tlga ter eh! ahaha. at almo b n paglabas q ng carwash umaambon! at muntik q ng matweet na ” f*** its rainin’ r u serious??!! grrr” kaso tinamad nko! ahahalolz. oh db feelingera ang ter mo! ahahah.

            hamishu ter!

          • unni says:

            hi naman ako deny to death ter ayaw ko lng mag assume na may ka EB ako next year tapos wala pala wala wala hahahaa…
            waah choks ng ter mag inarte tau sa twitter wa care tau basta di lng tau manglalait dba?
            waahh kamusta naman ang bagong carwash mong car na umambon talga after maliguan ang iyong baby hehe…

            waaahhh ter sabagay di tau makakapag usap nga pag ganun hehe..
            hamishu ter mwahh

          • kayedee says:

            waaaa. gnun b? hmmm.. baka nman c ano ang mka eb! ehehe Quiet Evil Grin

            ter umambon lang hnd umulan Smile
            hamishu dn ter! tagl mo maglinis ng hauz! ROTFL ROTFL

  3. J. Kulisap says:

    Ang halos limang taon kong relasyon ay nagmula lamang sa salitang HI sa YM.

    Tama ang sinabi mo Kayedee, subalit katulad ng normal na proseso ng pag-ibig, nagtapos na ito dahil sa distansyang inilayo niya ang kaniyang puso na sabi niya..lagi kong kasama pero hindi ko na naramdaman.

    Salamat

  4. salbehe says:

    NAniniwala ako sa sinabi mo Kayedee, pengeng chocolate! ROTFL

    • kayedee says:

      waaaa… sori salbe nabalewala ung koment mo sa isa, base k p man din ehehehhe. kc nman uber keso nun eh, kakahiya ipost! ehehe.

      nyahha. sb ko ung boboto ahahha. kukunin ko ang resulta ng boto ky lolo pra my prove ehehe. ROTFL

  5. arnie says:

    nagkaroon na rin ako ng ganito….wahahahahaha

    nakarelate din ako…………………LOL

    but that was long tym ago….

  6. beeftapa says:

    ung chocolate ko ung may almonds ha Grin

    yang ganyang klaseng relasyon ang kumplikado. kase limited lang ang napapakita sa virtual world at yun yung pinili nya lang na ipakita sayo. though makikilala mo naman sya sa pag-uusap, kung papano ung takbo ng utak nya, pero hindi yun ang lahat ng sya.

    • kayedee says:

      wahhahha. shaks! w/ almonds? u reminds me of someone ahihihi. Cute

      kaya nga sobrang pakikipag sapalaran ang virtual love Grin
      hmmm bkit prang relate ka tapa? ROTFL

  7. [...] 33.Kayedee, Estados Unidos 362 Comments by J. Kulisap  /  July 29, 2010  /  Posted in: Buhay at Pag-ibig Pinoy, Pilipino Ako, Usaping Panlipunan Tagged: Akdang Tuluyan, Aliw Pinoy, Di-Pormal, Pag-ibig, Pangangatwiran, Panitikan, Sanaysay, Titik Pinoy « Previous postBundok ng Susong Dalaga [...]

  8. poy says:

    abah abah oh hehehe may ganitong entry ka talaga ha… hehehe lagyan mo pa yon ng true happiness cannot seen by the eyes but it will be felt by the heart. LOL may ganong banat! at in love ka eh ano ichika mo sakin sa ym hahaha batok ka sakin dyan pm mo ako diba!! hehehehe

    • kayedee says:

      adik ka! ahahaa. hnd pde english kelnagn tagalog lang indoy! ahahaa. hnd ako inlab ano! opinion ko lang to aysus! cnb ko b dito na ako ang nasa story? ahahaa..

      aktwali dedicated q sayo to! ahaha ROTFL

      • poy says:

        hahahahahaha hayuuff may ganon dedication ka talaga eh ano hayuuff ha di pa to nabasa ni koy hahaha tang ina eh noh may ganon inspiration ka pa talaga eh ano hehehehe pero hangcute eh wag kang magaalala ibang storya naman ang masabi mo soon about as pagibig hehehe ayon nga eh dami ko gusto sabihin about sa contest na yan kaso di ako qualified hayuuff sumasakit ulo ko kakabasa sa mga post niyo dahil uber tagalog eh pahirapan parusa talaga… hjahahaha

        • kayedee says:

          hnd ka naman hayufff nyan poy? ahahha ROTFL
          waahhaha. oo na ikaw na ang english speaking! ikaw na ang kano! ikaw na ang slang! ROTFL

          pero infernez poy ha, kau ni koy ang mgndang example ng virtual world, uber sweet ng gnwa mo nung last anib nyo grabeeee! na kht hnd sa personal mkkita ni koy yun eh gnwa mo pa rin Lashes very nice! Yes Yes

          • poy says:

            hahahaha may ganong pagkasabi talaga diba. ang busy mo sa virtual world diba.. pero good friends found here too naman din and we found you ni koy… hmmm humugot ka talaga ng lakas ng bituka at loob ha LOL well ganon talaga eh sana naman diba makauwe ka ng summer soon para maging NINANG!! lol maid of honor pala hahaha.. masaya nga mga pinag gagawa niyo eh hayaan mo isang araw di na ako mag eenglish di na at di na talaga hahahaha hayuuff kelan ba tau magskype diba wala lang para magkagulo lang ang mga mundo natin hehehe nood ka here comes the bride bagay na bagay kay koy yong bridal walk ni angelica dun baklang bakla lang promise!!! nood ka ha!! hahaha

          • kayedee says:

            shaks!!!! at maid of honor tlga? waaaaaa… kainggit tlga kayo koy! ehhhee.
            hai naku kelan ba tyo mag coconfe sa skype Frown ang bad kc ng time zone ko eh.. ang ingay nun for sure! ehehee..

            tamaaaa true frenz can find in virtual world In Love Beauty

            bigyan moko pamasahe pra mka uwi! jowk ahahaalolz

  9. -=cuteberl=- says:

    Wink daan lang muna kayedee ha. maya ko na babasahin. dami ginagawa eh.

  10. lambing says:

    hulaan ko enlab ka! hehehe

    .. tama kahit malayo man yan o malapit… sa pag-ibig hindi naman mahalaga kung ano ang sasabihin ng iba.. ang mahalaga yung naramdaman mo Kiss

    • kayedee says:

      shaks ate lambing! lge me inlab ahahha. pero nd pra skin tong entry kundi sa inyong mga nkakarelate! aahihihi..

      tamaaaa! ang importante ung nararamdamam mo! Beauty

  11. Len says:

    sis, wala lang.. meju ay hindi pala meju, sobra palang gustu ko yung entry mo, baket??? eh sakin nalang yun, as if namang hindi mudin alam.. ahahaha

    mishhu sis.. be safe! Kiss

  12. superlolo says:

    Ummm…yung mga anak ko nakare-relate dito sa entry mo Kayedee…ang haytek na pag-ibig. Ako kasi dun pa sa sulat at telegrama. ayos ito Kayedee ang haytek na pag-ibig.

  13. Jag says:

    shaks! at isa pang shaks ulet haha….ibat iba tlga ang anyo ng pag-ibig…shaks pa uli lol…

  14. kaye says:

    asan? asan ang chokolate? hehehe!

    kanya kanya talaga ng pananaw pagdating sa pagibig. ang pamantayan ko, basta nagkakaunawaan at kayang panindigan, ok lang sa akin, sa anupamang paraan. Smile

  15. kuhracha says:

    pag virtual ang pinaguusapan, cybersex ang naiisip ko. ahahahaha. totoo naman. ang mga taong magkakalayo, nagpaparaos sa chat o kaya telepono. kumusta naman un? ayos kaya! healthy sa relationship. wahahaha.

    seriously, un first bf ko, txtmates kami noon. nagmeet kami tapos tumagal kami 2years. kasi ipinagpalit ko cia sa second bf ko na chatmate ko that time. nag EB tapos tumagal kami 3years. oha. ang landi landi ko. thanks sa virtual world. Wink

    • kuhracha says:

      walang sense un sinabi ko. ang point ko, nasa mga taong involved yan.

      • kayedee says:

        wahaaa natawa ako dun kuh! ROTFL at tlgang una kang na exposed sa isang txtmate? ahahha. at tama tnx sa virtual world! ROTFL

        tamaaa. wala sa layo at set up yan basta nagkakaintindhan at nagmamahal sapat na Smile

        • kuhracha says:

          salamas sa virtual world noon dahil nagkaroon ako ng mga pag-aalayan ko ng pag-ibig ko. ngayon… wala. nalimas na silang mga lalake sa birtwal na mundong ito. hahaha. babae na lang! toinkkkks!

  16. Joyo says:

    ang sa akin lang kung yung mga nasa realidad nagkakaguo paanopa kung sa virtual lang… pero siguro nasa tamang pagdadala lang Smile

  17. jongskie says:

    IBOBOTO kita, kailangan mo ba ang address ko para mapadala yung tsokolate? HAHAHAH

    galing naman, gustong gusto ko ang post mo, dahil ako man ay umibig at nakahanap ng pag-ibig dahil sa birtwal world!

  18. Ate K says:

    di ako magengealam… akin na tsokolate ko!

    sa kahit anung paraan, basta’t may tiwala, totoo sa sarili at tapat sa isa’t isa, wala sigurong gaanong problema. (wag ka ngumiti)

    Blowing Kisses Listening to Music

  19. Pong says:

    boboto ako ipadala na agad ang chocolate!
    bilisan na

    ang ganda nung pic waling kayedee
    tapos naman talagang ipinagtanggol mo ang virtual na pag-ibig
    kung tunay ito ay walangv kokontra yehey!
    ang pag-ibig ay hindi mapanghusga!

    ang tsokoleyt ko

    be blessed naman!

    akala ko ba ayaw mo ng agostoi eh bakit pumapagibig ka na ahahahah

    • kayedee says:

      wahahaa. eto naman c kuya pong hnd na mabiro oh! ahaha ROTFL

      tnx kuya!
      ahahha. eh un ang topic ko eh kya pinagtanggol(kuno) ahahah Laugh

      waaahaha.. kuya nman hnd ko nman ksalanan na pumapag ibig ang sinulat ko kc dahl lang sa kontest yan at wlang kinalaman s personal na status ko (shaks at tlgang nag explain) ahahaa.

      eh kuya ang tanong nangyri nb sayo to? ayieee Wink

  20. Lipadlaya says:

    ayun, o… mukhang me pinaghuhugatan talaga,,, meron nga ba?
    tama ka dun,,, me mga kakilala rin akong naging reality ang virutal na relationship,, hehehe. Buhay talaga ang pag-ibig….

  21. Lipadlaya says:

    exchange link naman po, hehehe…. Smile

    http://lipadlaya.wordpress.com

  22. Jam says:

    Late! Bleh maiba nmn..lagi rin lang nmn akong late e….naks..Sis hataw sa mga ideya ah…prang sobrang ramdam mo ang mga sinasabi mo ah…sabagy lahat nmn ng bagay may katugunan at may katotohanan maging itoy virtual man..

    Naks..nmn at nkdlawang entry k pa ha..daming ideya tlga sa pag ibig…

    Iloveyou…Mis u..

  23. toni says:

    lam mo sis kahit san pa nagkakilala, ang importante ung komyunikasyon at pagdadala sa relasyon.

  24. Daniel Yuson says:

    @ Kayedee..!
    salamat sa pagbisita sa..:
    The BODy ha..!
    anyway…
    kelan mo ipapadala yung..:
    chocolates..?
    iboboto kita..!
    hahahahahhahaha..!
    seriously now…
    marami na rin naman…
    virtual love na…
    naging realidad..!
    kaya agree ako sa iyo..!
    now back to business..!
    if i were to grade your entry..,
    and if it was a theme for my english class..,
    i’d give it…
    a grade of..:
    95..!
    tie kayo nila pong at sphere..!
    hahahahhahahahahha..!
    good luck sa contest..! Wink

    btw..,
    i love the feel here..!
    very homey..!
    ang linis..1
    nakaka hiyang mag kalat..! Wink

    • kayedee says:

      @ daniel- shaks! mukhang magnonosebleed dn aq sau ha.. ehehe.. at waw! salamat naman at nagustuhan u post q at pantay p kna ate anne en kuya pong Smile

      nyweiz i like ur blog mppdalas aq dun,en i want d way u koment,ang kulit! ehehe..

      at tnx po sa pag like sa ayos ng hauz q. at wag mahiyang magkalat! nagpapanggap lng akong geniun at gurly ahaha..

  25. darklady says:

    mare!! sabihin mong di pa ako late para mag comment. hindi naman ako masyadong dulo nyan noh, ang dami na nakapag comment.lol

    hmm..mare bakit nangyayari ba sayo ngayon yang sinasabi mong birtwal world?hehehe

  26. kikilabotz says:

    minsan din ko rin naranasan ang ganito. promise ibblog ko. hehe..namarkahan na kita. bwahahaha

    • kayedee says:

      hmmmm! tampalin kta e! nung pinagagalitan mo aq, akala mo kung cno kang manermon ikaw dn pla! ahaha ROTFL

      teka nung minarkahan mo b ako, inicp mo na mag besfren tayo? na ako gumawa ng resume mo? na bibigyan kta ng mraming chocolate pag umuwi ako? naicp mo ba iyon ha?? ahahah lolz! ROTFL ROTFL

  27. Joyo says:

    ako isa ako sa hindi naniniwala sa pag-ibig sa virtual world pero sabi nga nung bg music mo love moves in msyterious way kaya wala akong karapatan humusga… Grin

  28. leemi says:

    iboboto kita.. akin na tsokleyt ko.!!.. Razz

    anong klaseng pagmamahal pa ba ang di ko naranasana?..
    virtual – check, parang di mo naman alam.. ahahhay.. nakupo naman..

    ang virtual na mundo ay totoo, dahil totoo namang nakakaramdam ka.. totoo yung feelings ng puso, walang sinabi kung nasa kabilang planeta o nasa uae lang, nagmahal ako eh.. bakit ba? adik na naman ako pagkatapos magbasa dito.. wahhhh Quiet

    • kayedee says:

      waaa hnd k nman mkkboto dahil wala kang entry ano! ahahha. sayang nagkulang tuloy boto ko! ROTFL

      tamaaaa. its the feeling db lee? Beauty
      at bakit tlga nasingit ang uae d2? part p dn ba ng uae ang qatar?
      lge k nman adik e! ROTFL

  29. etchosera says:

    WALA! dahil ang pag ibig ay nanggagaling sa puso hindi sa kilos.. maaring magsinungaling ang bawat kilos mo pero hindi ang sinasabi at dinidigta ng puso mo.

    >>> tama ka Karen dahil kahit kailan hindi nag sinungaling ang puso. mukhang para sa akin ang entry mo hahaha

  30. tsenn` says:

    matagal ka na bang nakadatkom? hihi parang ngayon ko lang ata napansin. hurhur~ XD
    ayon, wula akong alam sa mga ganyan. bata pa po ako. haha hi kayedee~ Grin

    • kayedee says:

      ay last month lang po, sakto ng bday q ahihihi.. may feeling aq nakrelate ka! feeling lang nman ehehe..

      uyy tsen long time no see lolz.. salamat at nahabol moko d2 sa new hauz q ehehe

  31. Sphere says:

    shaks! pasok na pasok sa bangaSmile

    yung chocolate ko pwedeng may nuts sa loob? ahahaha

  32. J. Kulisap says:

    Penge na lang tsokolate. Naniniwala ako sa sinabi mo

  33. missbroken says:

    ahehehe….. nag eemote c ate… hmmm… di ko pa naranasang malagay sa ganyang sitwasyon kaya no comment ako… but sabi nga nila love conquers all di ba?
    nyahahaha… wala lang…… Mad ROTFL Listening to Music

  34. Pong says:

    *kaway* sa mga magagandang bloggers sa ibang panig ng mundo

    kumusta waling kayedee?
    nakpasok ulit after 10 years sa blog mo ahahahha

  35. aninipot says:

    naku! mahirap yata yan, di ko naman sinasalungat pero gusto ko parin ng nahahawakan.. hindi drawing lang..hahaha

    pero totoo pwede itong maging instrumento ng pag-ibig di naman natin alam saan ito dumadaan.

    • kayedee says:

      hmm.. i gez gaya ng background music ko love moves in mysterious lang talga Smile

      pero empre mas mgnda nman tlga pagkasama mo Grin
      salamat ani!

  36. hoshi says:

    nirerespeto ko ang iyong opinyon sa ngalan ng chocolate. hehehehe

    wala akong gaanong masabi sa ganyang klaseng pag-ibig. kasi tingin ko mahirap din. kahit papaano siguro nag-i-invest na rin ng emotion alin sa dalawang taong naglolokohan este nagkakausap.

    mabuhay! Giggle

  37. duking says:

    una,kailangan ko na palang update ang address mo sa link ko.

    pangalawa,kailangan ko ring basahin ang lahok mo.

    pangatlo…ok eto na komment ko.

    virtual man yan kagaya ng tamagotchi,ang katotohanang nagmahal ka ay kasing totoo ng hangin na pumupuno sa iyong dibdib.

    yun lang po.

  38. prince says:

    ang susyal nman daming commentos..gagawa nrin ako ng personal blog ko..hiihih uso yta ang pag-ibig ngaun..hihih

  39. Pong says:

    *kaway*
    sa mga magagandang bloggers sa kabilang panig ng mundo
    kumusta na waling kayedee ko?
    kumusta na ang virtual na pag-ibig natin diyan?
    be blessed!

  40. livingstain says:

    gusto ko to, hindi naman ako nakakarelate pero may katotohanan to at hindi pangkaraniwan.

    ITO DAPAT ANG MANALO.

  41. yin says:

    NADAAN SI YIN. NAGBASA. NAGHANAP NG KAPE. KULISAP MAGBABAYAD KA NG MAHAL. DALHIN MO KO SA TUKTOK NG SUSONG DALAGA.

    NA-RATE KO NA. DI NA KO KOKOMENTO.

    (GANITO LAHAT NG KOMENTO KO SA ENTRIES. ANG IMPORTANTE MABASA AT MAINTINDIHAN KO YUNG KUWENTO AT MA-RATE NG MAAYOS AT MATAPOS BAGO AKO HIMATAYIN SA GUTOM, HAHAHA)

    hehehe. padaan keids!!

  42. sows says:

    ate minsan naiisip ko rin yan. Chic

  43. benh says:

    mahusay po! Grin nagbigay ng mrka.

  44. J. Kulisap says:

    Kayedee, wala ka pang marka. Minus 50 points ka na..ahahaha.

    Please confirm kung wala pa talaga, baka di ko lang naisama. Ok?

  45. keso says:

    awww. may naaalala ako. HAHA! ayoko na muling maransan ang pag ibig sa birtwal na mundo. walang kasiguraduhan. Frown pero aagree na ko. para may tsokoleyt! haha.

    • kayedee says:

      waaaa. uyy c lil sis memoriessss!lolz….

      sis wala kang chokoleyt kc hnd ka ksama sa judge ahaha.. pero dnt wori kc kht ung mga judge wala din choko! ROTFL ROTFL

  46. eliment says:

    kung noong mga naunang panahon na uso pa ang penpal madaming nagkakatuluyan. mas siguro ngayon kase nagkakarinigan at nagkakakitaan (ng kung anu2.haha) ang dalawang nasa magkabilang ibayo.

  47. ysae says:

    everything is possible in love and can be developed in all places. the issue is risk. will it be enough to really pursue it? Love is better developed in FLESH and BLOOD than in FIBER OPTICS. God bless!

  48. Pong says:

    *kaway*
    sa mga magagandang bloggers sa kabilang panig ng mundo bakit naman password protected yung isa? anong password?

    sige kapag hindi mo ibinigay mapapalo ka sa akin
    ehehehe

  49. gnehpalle02 says:

    ivovote kita paramis! dahil maganda ang entry mo at chaka dahil na rin may sulsol na chocolate… ehehe (echos!) pasok sa banga kaydee ang entry mo… Grin

  50. @ Kayedee..!
    suplada naman…
    yung bagong post..!
    may password talaga..? Wink

  51. cheese says:

    wala akong alam sa ganitong klase ng pag-ibig. alam ko hindi ito totoo.

    kasi lahat ng mga naging girlfriend ko nakachat ko lang sa umpisa sa mIRC (extinct na to ngayon).

    kayo na ang humusga hahaha

  52. angelo rojo says:

    maganda pag aralan e2 kc nakaka2lung 2 no

Leave a Reply

XHTML: You can use these tags: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>

CommentLuv Enabled

Click to Insert Smiley

SmileBig SmileGrinLaughFrownBig FrownCryNeutralWinkKissRazzChicCoolAngryReally AngryConfusedQuestionThinkingPainShockYesNoLOLSillyBeautyLashesCuteShyBlushKissedIn LoveDroolGiggleSnickerHeh!SmirkWiltWeepIDKStruggleSide FrownDazedHypnotizedSweatEek!Roll EyesSarcasmDisdainSmugMoney MouthFoot in MouthShut MouthQuietShameBeat UpMeanEvil GrinGrit TeethShoutPissed OffReally PissedMad RazzDrunken RazzSickYawnSleepyDanceClapJumpHandshakeHigh FiveHug LeftHug RightKiss BlowKissingByeGo AwayCall MeOn the PhoneSecretMeetingWavingStopTime OutTalk to the HandLoserLyingDOH!Fingers CrossedWaitingSuspenseTremblePrayWorshipStarvingEatVictoryCurseAlienAngelClownCowboyCyclopsDevilDoctorFemale FighterMale FighterMohawkMusicNerdPartyPirateSkywalkerSnowmanSoldierVampireZombie KillerGhostSkeletonBunnyCatCat 2ChickChickenChicken 2CowCow 2DogDog 2DuckGoatHippoKoalaLionMonkeyMonkey 2MousePandaPigPig 2SheepSheep 2ReindeerSnailTigerTurtleBeerDrinkLiquorCoffeeCakePizzaWatermelonBowlPlateCanFemaleMaleHeartBroken HeartRoseDead RosePeaceYin YangUS FlagMoonStarSunCloudyRainThunderUmbrellaRainbowMusic NoteAirplaneCarIslandAnnouncebrbMailCellPhoneCameraFilmTVClockLampSearchCoinsComputerConsolePresentSoccerCloverPumpkinBombHammerKnifeHandcuffsPillPoopCigarette