Tag-Archive for » angry «

Aug
14

habang tumatanda ako, ay mali bata pa pala ako ehehe.. habang tumalaki ako, teka parang hindi naman ako lumaki kase yung size ko 10yrs ago ay ganun pa rin till now ahaha, sige habang nag kakaisip ako wait lang may isip naman ako kahit nuon pa ah!! haiii habang nagmamature ako. ayan swak na! ahahaha.. sige tuloy na ang kwento Smile yun nga, habang nagmamature ako narerealized ko na isang napaka kumplikado pala ang salitang trust o pagtitiwala.. totoo.. madali etong sabihin, yah i trust you. pero minsan ang hirap pala panindigan kase tao eh, hindi tayo diyos na alam ang ginagawa ng lahat 24/7 at iniisip ang nasa utak ng mga taong nakapaligid satin, kaht pa ng mga taong mahal natin..  kaya bigla ko naisip, ang hirap pala maging judge sa korte, kaya pala nag babase lang sila sa mga ebidensya, sa mga testigo, at statements ng bawat nasasakdal. at binubusisi talaga ng mabuti ang mga pangyayari. kase hindi naman madali ang magbigay ng hatol dahil wala tayong kakayahan na basahin ang nasa utak ng iba..

ako ang taong madaling magtiwala, kase iniisip ko ano naman ang magiging dahilan nila para magsinungaling or traydurin ako.. ang sama nun.nakakahiyang gawin.. at hindi ako ganun ako.. pero tama nga sya.. hindi porke hindi ka ganun ay magiging malinis din ang tingin mo sa iba.. ilang billion ba ang tao sa mundo? ang mundo ay hindi isang paraiso na puno ng mabubuting nilalang..

at isa sa pinaka masakit na pagdadaan mo sa buhay ay ang pagsisisi.. regrets..  pero hindi yun maiiwasan. sasabihin mo sana hindi ko nalang eto ginawa, sana hindi nalang nagbigay ng sobra, sana ginawa ko nlang eto. maraming sana… pero hindi dapat.. dahil ginusto mo yun kaya ginawa mo kaya bakit mo pagsisihan ang isang bagay na ginawa mo dahil ginusto mo diba?.

minsan may mga taong ginagawa nalang ang gusto nilang gawin para hindi sila masaktan, hindi nila iniisip kung tama pa ba o hindi. nananalo ang puso sa utak. at eto ang mga taong mahina.. at mayroon namang mga taong ginagawa nila ang tama at dapat kahit pa ang  kapalit ay ang masaktan sila ng sobra sobra dahil pinaiiral nila ang utak bago ang puso. at sila ang mga taong malakas, matibay at matapang na harapin ang ikababagsak. hindi madali ang masaktan, pwede mo eto ikamatay pag hindi mo nakayaan kaya hindi mo masisisi ang iilan na sundin ang sinasabi ng puso kahit pa ang kapalit ay hindi na tama…

isipin mo nalang na nakayang mong lagpasan ang sakit na pinagdaanan mo nuon bakit hindi ngayon? sa dami ng tao sa mundo hindi lang ikaw ang nasasaktan, kung sila nga nakakaya nilang dalhin bakit hindi mo makakaya db? at ang walang kamatayang everything happens for a reason na lubos kong pinaniniwalaan.. na minsan iniisip ko sa panahong ganito na sana dumating na yung reasons na yun, nakakainip mag hintay ng sinasabing dahilan kung bakit ka nasasaktan ngayon.. bakit kailangan mo munang mamatay bago mo makuha ang sagot?

sabi sa stat ng wag na u sad, andito na me page sa fb.. (paki like na din) ahahaha.. —>Why am I crazily crying for just one person? Not knowing that there are a lot of persons doing the craziest things just to make me smile. Smile —-> yah tama! pero kung iisipin mo din kaht pa ilang million na tao pa ang gustong magpangiti sayo kung iisang tao lang ang nagiging dahilan ng bawat ngiti mo. its useless!!! minsan nakakatawa nalang yung mga quotes na pwedeng magpaluwag ng bigat ng pinagdadaanan mo, pero ang RIYALIDAD ay hindi ganun kadali ang buhay at hindi ganun kadali ang masaktan….

Mar
02

This post is password protected. To view it please enter your password below:


Category: galit mode!  Tags: , , ,  Enter your password to view comments.
Jul
23

SECOND CHANCE…

ilang beses mo na bang sinabi or hiningi eto sa buhay mo??

madalas hinihingi ko eto sa itaas tuwing kinakausap ko sya.. madalas kasi akong magkamali sa mga desisyong nagagawa ko sa buhay. at hindi naman ako nabibigo dahil binibigay naman nya ang pangalawang pagkakataon na iyon. kahit na madalas eh paulit ulit kong hinihingi sa kanya dahil hindi ko matama tama ang mga bagay na minsang nahihirapan akong gawin. pero nandyan pa rin sya na walang sawa na magbigay sakin ng hindi mabilang na second chance.

IKAW? nagawa mo na bang magbigay ng pangalawang pagkakataon sa mga taong nanghihingi nito sayo?
ilang beses mo na etong hiningi sa mga taong mahalaga sayo or sa buhay mo?

AKO? hindi ko alam pero hindi mahirap para sakin ang mag bigay nito.. minsan hindi lang second ang kaya kong ibigay, third,forth,fifth… nabibigay ko! kaya naiisip ko katangahan na rin minsan! ahaha..(pero lahat my katapusan)

pero bakit may mga taong mahirap etong ibigay sa mga nanghihingi nito sa kanila.. sori pero feeling ko madamot sila. everybody needs a second chance.. kaya nga may salitang pagsisisi ay para maitama ang mga pagkakamali..

at hindi ba mas madaling huminga kapag walang taong nahihirapan dahil sa pagdadamot mo ng pangalawang pagkakataon?, mas madaling kumilos dahil hindi nakakahon ang mundong ginagalawan mo dahil baka magkasalubong kayo? at mas makukuha mo ang kalayaan dahil alam mong nagpalaya ka ng isang damdaming kakakulong sa iyong pagmamahal.

If you have made mistakes, there is always another chance for you. You may have a fresh start any moment you choose, for this thing we call ‘failure’ is not the falling down, but the staying down.



ps.
ang totoo walang pupuntahan ang posteng ito!
may masabi lang! ^^