Tag-Archive for » confused «

Mar
02

habang tumatanda ako, ay mali bata pa pala ako ehehe.. habang tumalaki ako, teka parang hindi naman ako lumaki kase yung size ko 10yrs ago ay ganun pa rin till now ahaha, sige habang nag kakaisip ako wait lang may isip naman ako kahit nuon pa ah!! haiii habang nagmamature ako. ayan swak na! ahahaha.. sige tuloy na ang kwento Smile yun nga, habang nagmamature ako narerealized ko na isang napaka kumplikado pala ang salitang trust o pagtitiwala.. totoo.. madali etong sabihin, yah i trust you. pero minsan ang hirap pala panindigan kase tao eh, hindi tayo diyos na alam ang ginagawa ng lahat 24/7 at iniisip ang nasa utak ng mga taong nakapaligid satin, kaht pa ng mga taong mahal natin..  kaya bigla ko naisip, ang hirap pala maging judge sa korte, kaya pala nag babase lang sila sa mga ebidensya, sa mga testigo, at statements ng bawat nasasakdal. at binubusisi talaga ng mabuti ang mga pangyayari. kase hindi naman madali ang magbigay ng hatol dahil wala tayong kakayahan na basahin ang nasa utak ng iba..

ako ang taong madaling magtiwala, kase iniisip ko ano naman ang magiging dahilan nila para magsinungaling or traydurin ako.. ang sama nun.nakakahiyang gawin.. at hindi ako ganun ako.. pero tama nga sya.. hindi porke hindi ka ganun ay magiging malinis din ang tingin mo sa iba.. ilang billion ba ang tao sa mundo? ang mundo ay hindi isang paraiso na puno ng mabubuting nilalang..

at isa sa pinaka masakit na pagdadaan mo sa buhay ay ang pagsisisi.. regrets..  pero hindi yun maiiwasan. sasabihin mo sana hindi ko nalang eto ginawa, sana hindi nalang nagbigay ng sobra, sana ginawa ko nlang eto. maraming sana… pero hindi dapat.. dahil ginusto mo yun kaya ginawa mo kaya bakit mo pagsisihan ang isang bagay na ginawa mo dahil ginusto mo diba?.

minsan may mga taong ginagawa nalang ang gusto nilang gawin para hindi sila masaktan, hindi nila iniisip kung tama pa ba o hindi. nananalo ang puso sa utak. at eto ang mga taong mahina.. at mayroon namang mga taong ginagawa nila ang tama at dapat kahit pa ang  kapalit ay ang masaktan sila ng sobra sobra dahil pinaiiral nila ang utak bago ang puso. at sila ang mga taong malakas, matibay at matapang na harapin ang ikababagsak. hindi madali ang masaktan, pwede mo eto ikamatay pag hindi mo nakayaan kaya hindi mo masisisi ang iilan na sundin ang sinasabi ng puso kahit pa ang kapalit ay hindi na tama…

isipin mo nalang na nakayang mong lagpasan ang sakit na pinagdaanan mo nuon bakit hindi ngayon? sa dami ng tao sa mundo hindi lang ikaw ang nasasaktan, kung sila nga nakakaya nilang dalhin bakit hindi mo makakaya db? at ang walang kamatayang everything happens for a reason na lubos kong pinaniniwalaan.. na minsan iniisip ko sa panahong ganito na sana dumating na yung reasons na yun, nakakainip mag hintay ng sinasabing dahilan kung bakit ka nasasaktan ngayon.. bakit kailangan mo munang mamatay bago mo makuha ang sagot?

sabi sa stat ng wag na u sad, andito na me page sa fb.. (paki like na din) ahahaha.. —>Why am I crazily crying for just one person? Not knowing that there are a lot of persons doing the craziest things just to make me smile. Smile —-> yah tama! pero kung iisipin mo din kaht pa ilang million na tao pa ang gustong magpangiti sayo kung iisang tao lang ang nagiging dahilan ng bawat ngiti mo. its useless!!! minsan nakakatawa nalang yung mga quotes na pwedeng magpaluwag ng bigat ng pinagdadaanan mo, pero ang RIYALIDAD ay hindi ganun kadali ang buhay at hindi ganun kadali ang masaktan….

Jan
22

familiar kaba sa kasabihang kapag may nagsarang pinto ay wag malungkot dahil siguradong may magbubukas na bintana? ang sabi pa minsan nga ay hindi lang isang bintana ahahah.. at kapag na broken heart ka naman lage sinasabi ng mga malalapit sayo ” wag kang mag alala meron pang darating na mas higit sa kanya”..

ang tanong ikaw, napatunayan mo naba eto? nangyari naba sa buhay mo para paniwalaan ang mga kasabihang eto? marami ba akong tanong?? eh pano hind kapa sumasagot! ahahha..

sige fine! dahil ang author ngayon ay ako, ako  nalang ang sasagot ehehe…. ang masasabi ko lang god is really good Smile or sadyang good girl lang ako kaya mahal nya ako Big Smile.. pano ko nasabi?? napansin ko lang kase, aktwali hindi ko lang napansin talagang ganito palageng nangyayari ehehe.. anyweiz, sa tuwing ako’y nawawalan ng taong minahamahal ehem ehem Grin or should i say on my darkdays or nadapa, ay for some reason ay lageng may dumarating na tao na hindi ko sinasabing susunod na mamahalin ha Smile wag kang advance mag isip! Big Smile basta isang taong magpapangiti o pupukaw ng atention ko which is good kase mababawasan ang bigat ng pinagdadaanan diba? Smile (im not just talking about romantic ways dito ha, pwede rin kaibigan Smile ) oo ako ng defensive! ahahha…
minsan bagong kakilala or minsan ay dati ng kakilala na dati ay parang wala lang, hindi kayo close tapos biglang sa gitna ng iyong kalungkutan biglang may mabubuo na masayang companion kumbaga..

pero hindi sa lahat ay nauuwi sa malalim na samahan, parang dumating lang talaga para mapasaya ka sa oras ng kailangan mong ngumiti pero minsan naman ayun humahantong sa malalim na malalim ahahaa.. (un na yon!) Grin

life is really full of mystery ika nga, pag may nagsarang pintuan may bintanang magbubukas, nawala lang sya dahil darating ang hihigit pa, at isama na natin ang everything happens for a reason at sige fine sige na! malay mo nangyari ang lahat para makilala mo na ang destiny mo! shaks! ang chessy!!! Grin (destiny ur feiz!) peace Grin

kaya wag nang malumbay inday Grin
Jan
15

This post is password protected. To view it please enter your password below:


Category: emo mode!  Tags: , , , , , , , , ,  Enter your password to view comments.
Jan
14

siguro kung nagsasallita lang blog ko sasabihin nya ” heto kana naman, pinapansin mo na naman ako porke kelangan moko! ” at may kasama pang tse! ahahha..

wala akong gustong mapagbuntungan, kahit mga kaibigan ko at taong mahal ko ayaw kong labasan ng tae ko ahahah.. naka ilang ulit naba nangyari eto? kaya naman here we go again!!! sa pagkakataong nasasaktan, nalulungkot, naghihinayang, nagsisisi.. ilang beses na nga ba ako nagsisisi sa mga nagagawang kong hindi ko sinasadya?? me and my big mouth!!! yah alam kong literal na malaki ang mouth ko ahhahaha. pero mas nakakainis ang laki ng sama ng lumalabas dito minsan pag nasasaktan at nagagalit at kung sinasaniban ay pag iinarte lang Smile

saan na nga ba ako pupunta ngayon??? panindigan ang desisyong ginawa ko kahit nasasaktan o ayusin ang sinirang nagawa para maging masaya uli??

hindi ko alam! basta ang alam ko nakasakit ako at ayaw ko nang makasakit muli.. lalo na sa taong pinakamamahal ko.. makokontento nalang akong titigan ka sa kalayuan, yakapin ka ng pagmamahal ko at halikan sa tulong ng hangin na pareho nating nayayakap..

mananatili akong pwepwesto kung saan mo huli akong iniwan.. kapag dumating ang panahon na maghilom ang mga sugat at pagmamahal ang mangibabaw.. kalabitin mo lang ako at higpit ng yakap ang isasalubong ko sayo.. sa tamang panahon at pagkakataon alam ko magsasalubong ulit tayo dahil alam ko at nararamdaman ko na.. WE ARE MEANT TO BE..

isa lang ang taong gusto kong makasama ko sa pag baba at pagtaas ng araw/buwan.. IKAW..

salamat sa mga ngiting nagpapatatag sakin...
Jan
13

okey… bakit ba okey ang title nito? wala kasi akong maisip na title.. well actually ang posteng eto ay epekto ng panunuood ko ng livestream ahahha.. dahil may napanuod lang ako sa livestream(last nato) Smile at topic nila ay tungkol sa pag ibig. gusto kong sumali sa conversation nila pero malamang pano ko magagawa yun diba? buti nalang may blog ako kaya sige dito nalang ilalabas ang aking opinion Smile

isa sa tumatak sa isip ko ay ang katanungang..

—> paano mo nga ba malalaman kung sya na ang para sayo?? ibig sabihin paano mo malalaman na yung minamahal mo ngayon ay sya na ang itinakda para sayo??

…… well i guess madali lang naman maramdaman yun eh.. naniniwala ako na ang pagmamahal ay nag fafade din sa paglipas ng panahon at maaari din mag fade eto pag hindi kana napapasaya ng iyong bf/ gf.. relationship is not just about love, kailangan mo din eto paghirapan or you need to work it out. hindi lang dapat nagdedepende sa pagmamahal na meron ka.. KAYO.. you have to make sure na napapasaya mo ang ka partner mo.. dalawa kase ang kaligayahan sa isang isang relasyon, meron yung masaya ka nalang dahil mahal mo sya, dahil kasama mo ang taong mahal mo. at ung isa ay masaya ka dahil hindi lang mahal mo sya kundi dahil napapasaya ka rin nito.. we always have to keep in mind na kumapit ka sa relasyong hindi ka lang masaya dahil mahal mo sya kundi dahil nagagawa ka nyang pasayahin.. and thats what we called “healthy relationship”… kase pag kumapit ka nalang sa isang relasyon ng dahil lang sa mahal mo sya dito dumadating ang mga 3rd party, dahil kapag nakakita ka ng taong kaya kang pasayahin doon pumapasok ang confusion. at once na meron nito sa isang relasyon ibig sabihin lang na hindi matatag ang pundasyon ng relasyon.. at yun nga ay dahil hindi mo napapasaya ang partner mo..

sa dami ng sinabi ko.. isa lang ang sagot sa katanungan na nabanggit ko.. kundi… “malalaman mong sya na ang taong para sayo kapag sa kabila ng lahat, ng pagkukulang, kahinaan, at lumipas man ang panahon ay mararamdaman mong hindi nagbabago ang pagmamahal mo bagkus ay lumalalim pa eto” maaring sounds funny sa iba lalo na sa mga taong hindi pa nakakaranas ng pag ibig na wagas.. naks!! hayufff ano bang sinasabi ko! ahahaha.. okey! forget it Smile

-—-> maaari mo bang maging kaibigan ang ex mo?? ikaw kaya mo ba? ehehe….

……. well in my case ahaha.. tsk! Smile lahat ng ex ko ay kaibigan ko.. true! minsan hindi maiiwasan na mapag usapan ang nakaraan nyo pero kapag wala na talgang feeling ay pagtatawanan mo nalang.. sbi ko nga, minsan akala mo mahal mo pa pero ang totoo ang pinagsamahan mo nalang ang mahal mo Smile
but some cases, may mga taong hindi kaya dahil ang sabi bumabalik daw ang feeling kung maging magkaibigan pa kayo, hmmm kung pareho kayong single, yah maaari. pero kung pareho ng my bagong jowa, hindi rin lalo na kung masaya na kayo pareho sa mga bago nyo db?
pero meron namang talagang kahit anong mangyari ay wala na ang feeling at dun nagsisimula ang isang mabuti at magandang pagkakaibigan Smile
pero we have to admit na mahirap i achieve to kase lalo na pag may mga bagong jowa na kayo dahil siguradong magseselos ang gf/bf ahahhah.

-—-> if you love her/him set her/ him free?? hmmmm magpaka hero? Big Smile

….. well in my opinion, if you love someone you have to fight for it.. dahil sabi nga ni bob ong.. Kailangan mong libutin ang buong mundo para lang makaharap ulit ang taong tinalikuran mo.. dahil sa kahit saglit na pagtalikod mo marami ang maaring mangyari…

pero pag totoong mahal mo ang isang tao, wala kang hangad kundi ang kaligayahan nya.. kaya kung kaligayahan nyang wala ka sa buhay nya i guess d’yan lumalabas ang if you love someone set her/him free Smile

( your smile brings smile to me… kaya ng makita kitang masaya no bitterness, masaya ako para sayo coz you deserves it) Smile

OKEY… TAKE IT WHATEVER’S MEANT FOR YOU.. Smile

and you are to me…
Dec
31

bakit may part II? kase naman nakapag update nako, kaso si ronnel eh nag lipat ng hosting at hindi nasama ang 2 new post ko! tsk! im so pissed off!!

JOWK LANG!!! Smile

halabshu nel! ehehee..  anyways uulitin ko nalang…

nais ko lang magpasalamat sa lahat ng naging bahagi ng aking 2010.. salamat sa mga bloggers na nagpasaya sa mga kulitan, kontest, at mga kaadikan na hangang fb at ym ay hindi pinalagpas…

sa mga bloggers na naging matalik na kaibigan. maraming salamat sa pagdamay sa mga dark days or kaemohan eheheeh.. mahal ko kayo!

sa mga umaway sakin sa loob at labas ng blogosphere.. sige hapi new yr nalang!!!  maputukan sana kayo! jowk ehhehehe… peace on earth Smile

at salamat sa mundo ng blogging.. kung hindi dito ay hindi magiging makulay ang 2010 ko.. weird man pero sa blogosphere umikot ang mundoo ko ng buong 2o10! ahaahha… pero sana next yr hindi na Smile pero syempre hindi naman na mawawala sa buhay ko ang blogging dahil eto ang kadamay ko sa tuwing akoy nag eemote sa buhay ehehehe.. at syempre nandito ang mahal kong kaibigan Smile

samalat sa mga naka lovelife ko! ahahha… sa loob at labas ng blogosphere.. ahahaha.. hanggang sa uulitin! jowk! ahaaha.. salamat sa mga alaala Smile

salamat sa mga pinakamamahal kong pamilya. syempre sa pagmamahal na walang kapantay!

at last but not the least.. yun lang bow!!!

jowk!! ehehhehe…

syempre salamat sa aking pinakamamahal.. sa pagbibigay ng magagandang kulay sa  aking 2010. hindi man perpekto pero sapat na para masabi kong may magandang nangyari sakin sa taong eto..  hindi ako sigurado kung makakasama ka pa  rin sa pag lalakbay ko sa susunod na taon (pero mas masaya kung kasama ka), pero isa lang ang sigurado ako.. sa susunod na taon at sa darating pang taon, habambuhay kitang dadalhin sa aking puso.. salamat sa lahat. at magbago man ang lahat , ang sitwasyon.. hindi magbabago ang nararamdaman ko at habambuhay kong pagpapasalat ang pagbibigay ng pagkakataong makaramdam ng pag ibig na tapat at totoo ng dahil sayo..

SALAMAT SA LAHAT NG ALAALA.. MAHAL KO KAYO!

Nov
17

LOL HELLO…. Alien

wala ng paligoy ligoy pa!
ang layunin ng posteng eto ay para..

—> magmakaawa
—> mang istorbo
—> mang hingi ng konting effort
—> magpakita ng pagmamahal

KAY KAYEDEE…. Alien

maniwala po kayo na isang taon na ang kayedee’s journal… isang taong pagsusulat ng walang kuwenta! LOL  naalala ko nagsulat lang ako dahil sa kadramahan ko sa katawan! ahahaha… isang patunay ay eto ang unang poste ko.. FIRST POST..at hindi naglaon ay nakakilala ng mga kaibigan..kaya kahit na tamad ng magsulat eh nandito pa din. at dahil tamad ako magsulat eto watch my vid nlang! ahahhahha…

PLEASEEE POOOOOOO… Grin

AND SEND IT TO…. kayedeef@yahoo.com

…..make sure na my letter F after kayedee ha.. kc i know it can barely notice the letter f… ahahhhhaa…

NGAYON PALANG SALAMAT PO SA MGA NAG OO NA!!!!! TNX MUCH!! Kiss

Oct
28

repost lang po eto from emoterong bulol.blogspot. dont worry with permission nman so u i wont get sue ahahhaa. ewan ko lang sya kung nagpaalam sya sa pinagkuhanan nya ahaahha..

1. Lower your standards.

If you lower your standards, there would be least chances of failure. Don’t aspire for the best, just be contented. In this way, hindi ka masasaktan if reality did not made it to your expectations.

KAYEDEE: prang dito ako na awtz ah! ahahhha..


2. Don’t be yourself, become someone else.

- Because if someone rejects you when you’re in the state of being true, it will hurt triple times and it would be hard to imitate someone on the last minute. Because if you are a copycat, when you are rejected you can still show them what’s your true identity.

KAYEDEE: nope. being yourself  is the best thing you will do.


3. Stop dreaming

- Because when you dream, you strive hard for it, then you will expect something in return, then you will flunk, then you will die. Especially those who dream big time, as in the impossible ones as if they are reaching for the stars. Masakit magising sa katotohanan lalo na kapag nag-effort kang gumawa ng napakasarap na panaginip.

KAYEDEE: dissagree uli. just keep on dreaming sabi nga ng journey till you finds your true happiness Smile


4. Don’t fall in love, because it HURTS

- 100% correct. It hurts when you are rejected, it hurts when you see him/her with someone else, it hurts when he/she does not have any time for you, it hurts when he/she changes and it almost hurts everytime.

KAYEDEE: shetness. who cares, i will still love her over en over agen! Smile


5. Less talking, less fighting

- Cause when you say nothing, there would be no reason to stumble upon fighting. Less talk means less bruises too. The major hindrance for happiness is problems, Be silent and you would have no problems.

KAYEDEE: hmmm. tamaaa rin! sana kc natulog nalang ako bakit kc nag pm pa! napunta tuloy sa… haizzzz Frown


6. Try to buy HAPPINESS

- Cause sometimes material things can make you really euphoric, especially a laptop on my case.

KAYEDEE: well yah laptop is on my xmas wishlist ahahaa. but still. MINE is my happiness Smile

define your own happiness Smile


Sep
23

im speechless…

though…

my heart wants to say plenty of words..


IM SORRY….

million times of sorry..

sorry coz i’ve been stupid on that moment..
sorry for being insensitive for many times..
sorry for being careless in every words i say…
sorry for ruined your day at all times..
sorry if i didnt even bother to make you feel better
coz i felt ashame on myself..
i felt like i wanna disappear infront of you..
and just be gone forever…

BUT YET…

thank you for all the love that you’ve given me…
thank you for all your kindness…
thank you for all the efforts that you’ve showed me…
thank you for being my happpiness…
thank you for all your patience…
thank you for appreciating my sweetness…
thank you for accepting my weaknesses…


what ever it is.. what ever happened…

i just wanted you to know that…

i love you.. and i will always choose to love you…

..I LOVE YOU MINE..

and

..i’ll be your’s forever..


ps.
ill give you all the space you needed..

Sep
05

MAKAPAG UPDATE LANG!!!!

pasensya na kapatid na ronnel. baka sabihin mo walang kwenta ang pagbigay mo ng dotcom sakin kase hindi naman ako nakakapag update LOL  pasensya naman Oops!

naging busy lang ang lola nyo this past few days.. (eh san naman?) wala lang busy busyhan lang! LOL  ang totoo.. ang niluluto kong bagong post sana ay ang kantang ni request kong song na pina unlakan naman ng ating co blogger na moging mogi (oo mogi, wag n magtaka ahaha) na si jag.. gusto ko sana i share baka lang madiscover parang si charice, malay mo gawin akong assnt ni jag LOL   pero sori jag alam kong matagal mo ng sinend sakin, kaso nagkakaproblema lang sa boses ko!! LOL Eek!  i mean sa song mo. malaki daw masyado kaya ayaw magload. pero gagawan ko ng paraan pramis! Rolls Eyes

anyway highway…. napahaba lang intro ko Alien

isa lang ang gusto ko talagang sabihin………….


I LIED!!!! MARAMI PALA AKONG SASABIHIN….. AHIHIHI!

p.s

i dont have any doubts.. its jaz dat…
“kakainis ng hindi mo alm san ka lulugar”
Aug
26

i love… hearing your voice…..

i love …watching you on livestream…..

i love… it when you greeted me on air…..

i love… talking to you….

i love… the song you gave me…..

i love… when you calls me ganda…..

i love… everytime i call you mine….

i love…the way you call me mine….

i love… how we started as friends….


but there’s one thing i hated….

and that is….

the fact…

that you’re not actually….

MINE!….

Aug
24

i heyt mah self for being lazy, sana ako nalang si sis len na masipag! kaya nman lage bz ang sis ko  na yan! ehehe.

i heyt mah self coz till now hindi ko pa din nakikita si right one, buti pa si sis jam masaya ng kasama ang kanyang pinakamamahal na si hubby.ehehe

i heyt mah self for being sooo ugly! bakit ba hindi ako binigay ng beautyness ni ter unnie kaya ayan lage confused si heart nya! haba ng hair peace ter! ahaha.

i heyt mah self  kase wala me tiwala sa self ko, buti pa si bestfren kilabotz alam na alam nyang wafu sya at lage nya pinagmamalaki! ahaha.

i heyt mah self  coz hindi ako katulad ni ate kaye(tutubi) na madaling naka move on, at ayun oh lumalablyf na agad! ahaha.

i heyt mah self for being such a looser! buti pa si kuya eli (busyok) sikat! ehehe.

i heyt mah self coz trying hard ako sa pag kanta, buti pa si ate liz (etchosera) at si jag biniyayaan ng mgandang boses. ehehe.

i heyt mah self coz ang pangit ng mata ko walang dating! sana akin nalang ang mata ni davin. ehehe.

i heyt mah self dahil wala akong talent sa pag drawing! buti pa si kuya duking hanep sa galing mag doodles. ehehe.

i heyt mah self, bakit kase pinakabulgar ko ang feiz ko! sana ginaya ko nalang si lolo kulisap na anonymous to death ang drama. ahaha.

i heyt mah self, kase feeling ko ang bait bait ko (feeling lang nman! pde nman mali ang feeling ko) ahahhaha.. sana tulad nalang me ni salbe na salbehe. peace salbe! ahahaa.

i heyt mah self coz single ang stat ko buti pa si leemi inlababo (behaveness ako)  ahahah.

i heyt mah self coz ang tanda ko na! sana kasing edad ko lang si eloiski, at mareng darklady edi sana nag sskul palang ako at hindi ako nag aadik ngayon sa blogosphere. ahaha.

i heyt mah self  for being weak! buti pa si kurach strong woman.. naks! eheheh.

i heyt mah self for being slow mover! sana tulad nalang ako ni anjhong na isang tulog lang nya ay okey na xa! ehehe.

i heyt mah self kase hindi ako palasimba.. would you believe na mahigit isang taon nakong hindi nakakadaan sa church! sana makuha ko kahit konti ang pagiging active ni kuya pong sa church.

i heyt mah self for being morena! kase mas gusto ko ang light lalo na ang kutis ni ate anne(sphere) na malambot at maputi. ahaha.

i heyt mah self for being ewan ko ba! ahaha. basta alam ko kakainggit sila poy at koy coz they’re deeply inlove to think na sa blogosphere lang sila nagkakilala at now ikakasal na.. amazing diba?(sori nabuking ang lab story nyo) ahaha.

AND BECAUSE I HEYT MAH SELF! ITATAPON KO NALANG SARILI KO………..!

PWEDE BANG PAG TINAPON KO SELF KO PULUTIN MO AKO???

WOULD YOU MINE??

i mean

WOULD YOU MIND?? LOL

Aug
14

why do we need closure after the break-ups??

does it really help you to move on??

before the closure:

wala akong ibang hiniling kundi ang makausap ka,masabi sayo ang lahat lahat ng nararamdaman ko… kung paano, saan, kailan, ano ang nangyari sa atin nuon.. pero sampung buwan.. sampung buwan kang nanahimik, tikom ang mga bibig na pinagdamot ang kalayaan kong maunawaan ang lahat.. nag libang ako, madaming nakilala, madaming dumating pero mabilis din namang umalis. pero sabay ng pag alis nila sa buhay ko ay ang pakiramdam ko para sa kanila. pero bakit  sa tagal ng panahong eto at sa dami ng nangyari ay hindi pa rin maalis ang mga tanong namamagitan sa ating nakaraan… iniisip ko, closure ba ang hanap ko??

while the closure:

eto.. eto na ang pinakahihintay ko! hindi ako makapaniwala,bilis ng pintig ng puso, habol ng hininga, panlalamig at excitement…. yan ang mga naramdaman ko nang mga oras na eto. para akong shot gun na walang tigil sa pagtira ng gatilyo. hindi ko mapigilan ang sarili kong ilabas lahat lahat ng gusto kong sabihin sayo (eh maimbak ba naman sya ng sampung buwan) na halos wala na akong pakielam sa paliwanag mo, ang mahalaga ay ang mga sasabihin ko. pero nagtyaga kang makinig (hindi ko alm kung nakinig ka or sadyang busy ka lang) at wala pa rin akong pakielam basta pakinggan mo lang ULIT ako. naintindihan mo ang pinagmulan ng himutok ko nuon.(naintindihan mo nga ba?)

hindi man malawak ang pag uusap na iyon, marami mang hindi pa naliwanagan. sapat na para sakin na nalaman mo ang panig ko at ang panig mo. nakakapanghinayang lang na sa hindi pagkakaintindihan lang talaga nag simula ang lahat, pero gaya ng sabi tapos na, nangyari na. hindi na maibabalika ng nakaraan. at pareho lang tayong nabuhay sa sakit.

after the closure:

ang tanong…. nakatulong ba sakin?
nakatulong ba sa iyo?
gumaan ba ang pakiramdam ko nang masabi ko lahat ng gusto kong sabihin at marinig kang muli?
mararamdaman ko na ba ang peace of mind na hinahanap ko?
dapat ba akong matuwa na malalakbay ko na ang buhay ng walang naiwang tanong saan,paano,bakit at ano?

or dapat ba akong malungkot dahil may closure na, tapos na,stop, the end na ang meron tayo?

KELANGAN KO BA MAGTANONG AT NAGDEDECIDE NA NAMAN AKO AGAD AGAD?

Aug
02

shaks! AGOSTO NA!

bakit ang bilis ng araw?? BAKIT?!

masasabing kong agosto ang pinaka espesyal na buwan para sakin maliban sa hulyo dahil sa aking kaarawan Grin, espesyal dahil nasanay akong icelebrate ang aming anibersaryo ni 10yrs tuwing sasapit ang ika 15 ng agosto. ahihihi.. pero maliban duon ay nuong nakaraang taon ng agosto naganap ang masasabi kong isa sa pinaka masayang araw ng buhay ko (isama na ang setyempre) Evil Grin at ngayong taon sana ay magaganap uli ang maaring masayang buwan ng taon ko kung hindi ko pinalagpas (mula sa previous post) Fingers Crossed

napakabilis ng panahon, isang taon na ang nakakalipas mula ng naganap ang magandang ala-alang iyon Cry sana my time machine, sana pwede mag wish na ibalik ang panahon, sana pwedeng mag take two. sana sana sana.. pero ang nakaraan ay nakaraan na, mahirap ng bumalik or should i day hindi na maaring maibalik.. bakit kung gaano kabilis ang mga nangyari(pagmamahalan) kasabay ng bilis ng pagpapaalam ay sya namang bagal ng pagtanggal ng pananabik sayo? parang isang tinik na nakaharang na walang sinumang makapag paalis nito? bwiseeetttt…

tuwing sasapit  nalang ba ang agosto at setyembre ay mangungulila ako sayo? kung ganun, pwede bang ihiling na tanggalin nalang sa kalendayo ang dalawang buwan na nabanggit ko..(tama! pag my dumaan na wishing star ay yun ang hihilingin ko) ahahaa..

kaya naman… asahan na ang ma emote na si kayedee sa darating pang araw! (shaks! wag nman sana).. please bear with me… sorry for the inconvenience… Evil Grin

p.s
hindi eto entry para sa KM espesyal edisyon ROTFL

Jul
30

ako’y lutang.. ako’y nahulog sa bangin.. ako’y lito..

gaano ba kasaya ang pakiramdam na alam mong mahal ka ng taong mahal mo??

gaano ba kasarap pakinggan ang salitang mahal kita na magmumula sa taong gusto mong sabihan neto??

pero alam mo ba ang sakit na dulot nito dahil alm mong hanggang duon na nalang yun?…  salitang pwedeng bigkasin.. pakiramdam na masarap yakapin…

saan ba dapat lumugar??

sa  TAMA or GUSTO mo…

sa UTAK or PUSO mo…

gusto kong sabihin na wala akong pakialam sa sasabihin mo! wala akong pakialam sa sasabihin ng iba! dahil ang pakialam ko lang ang sasabihin ng PUSO ko!….. pero…. mahina ako sa konsenya ko!

kaya kong tanggapin ang nakaraan mo pero hindi ang kasinungalingan mo!

im HOPELESS but not DESPERATE
im BLIND but not DAMN
im MARTYR but not STUPID

kakalimutan ko ang mga nangyari.. kakalimutan kong nararamdaman ko.. but i wont forget your ILOVEYOU… a single word that will stick in my heart and stay’s tattoo in my mind..

hanggang dito nalang..

im sorry……

Jul
23

SECOND CHANCE…

ilang beses mo na bang sinabi or hiningi eto sa buhay mo??

madalas hinihingi ko eto sa itaas tuwing kinakausap ko sya.. madalas kasi akong magkamali sa mga desisyong nagagawa ko sa buhay. at hindi naman ako nabibigo dahil binibigay naman nya ang pangalawang pagkakataon na iyon. kahit na madalas eh paulit ulit kong hinihingi sa kanya dahil hindi ko matama tama ang mga bagay na minsang nahihirapan akong gawin. pero nandyan pa rin sya na walang sawa na magbigay sakin ng hindi mabilang na second chance.

IKAW? nagawa mo na bang magbigay ng pangalawang pagkakataon sa mga taong nanghihingi nito sayo?
ilang beses mo na etong hiningi sa mga taong mahalaga sayo or sa buhay mo?

AKO? hindi ko alam pero hindi mahirap para sakin ang mag bigay nito.. minsan hindi lang second ang kaya kong ibigay, third,forth,fifth… nabibigay ko! kaya naiisip ko katangahan na rin minsan! ahaha..(pero lahat my katapusan)

pero bakit may mga taong mahirap etong ibigay sa mga nanghihingi nito sa kanila.. sori pero feeling ko madamot sila. everybody needs a second chance.. kaya nga may salitang pagsisisi ay para maitama ang mga pagkakamali..

at hindi ba mas madaling huminga kapag walang taong nahihirapan dahil sa pagdadamot mo ng pangalawang pagkakataon?, mas madaling kumilos dahil hindi nakakahon ang mundong ginagalawan mo dahil baka magkasalubong kayo? at mas makukuha mo ang kalayaan dahil alam mong nagpalaya ka ng isang damdaming kakakulong sa iyong pagmamahal.

If you have made mistakes, there is always another chance for you. You may have a fresh start any moment you choose, for this thing we call ‘failure’ is not the falling down, but the staying down.



ps.
ang totoo walang pupuntahan ang posteng ito!
may masabi lang! ^^