Tag-Archive for » inside me «

Aug
14

habang tumatanda ako, ay mali bata pa pala ako ehehe.. habang tumalaki ako, teka parang hindi naman ako lumaki kase yung size ko 10yrs ago ay ganun pa rin till now ahaha, sige habang nag kakaisip ako wait lang may isip naman ako kahit nuon pa ah!! haiii habang nagmamature ako. ayan swak na! ahahaha.. sige tuloy na ang kwento Smile yun nga, habang nagmamature ako narerealized ko na isang napaka kumplikado pala ang salitang trust o pagtitiwala.. totoo.. madali etong sabihin, yah i trust you. pero minsan ang hirap pala panindigan kase tao eh, hindi tayo diyos na alam ang ginagawa ng lahat 24/7 at iniisip ang nasa utak ng mga taong nakapaligid satin, kaht pa ng mga taong mahal natin..  kaya bigla ko naisip, ang hirap pala maging judge sa korte, kaya pala nag babase lang sila sa mga ebidensya, sa mga testigo, at statements ng bawat nasasakdal. at binubusisi talaga ng mabuti ang mga pangyayari. kase hindi naman madali ang magbigay ng hatol dahil wala tayong kakayahan na basahin ang nasa utak ng iba..

ako ang taong madaling magtiwala, kase iniisip ko ano naman ang magiging dahilan nila para magsinungaling or traydurin ako.. ang sama nun.nakakahiyang gawin.. at hindi ako ganun ako.. pero tama nga sya.. hindi porke hindi ka ganun ay magiging malinis din ang tingin mo sa iba.. ilang billion ba ang tao sa mundo? ang mundo ay hindi isang paraiso na puno ng mabubuting nilalang..

at isa sa pinaka masakit na pagdadaan mo sa buhay ay ang pagsisisi.. regrets..  pero hindi yun maiiwasan. sasabihin mo sana hindi ko nalang eto ginawa, sana hindi nalang nagbigay ng sobra, sana ginawa ko nlang eto. maraming sana… pero hindi dapat.. dahil ginusto mo yun kaya ginawa mo kaya bakit mo pagsisihan ang isang bagay na ginawa mo dahil ginusto mo diba?.

minsan may mga taong ginagawa nalang ang gusto nilang gawin para hindi sila masaktan, hindi nila iniisip kung tama pa ba o hindi. nananalo ang puso sa utak. at eto ang mga taong mahina.. at mayroon namang mga taong ginagawa nila ang tama at dapat kahit pa ang  kapalit ay ang masaktan sila ng sobra sobra dahil pinaiiral nila ang utak bago ang puso. at sila ang mga taong malakas, matibay at matapang na harapin ang ikababagsak. hindi madali ang masaktan, pwede mo eto ikamatay pag hindi mo nakayaan kaya hindi mo masisisi ang iilan na sundin ang sinasabi ng puso kahit pa ang kapalit ay hindi na tama…

isipin mo nalang na nakayang mong lagpasan ang sakit na pinagdaanan mo nuon bakit hindi ngayon? sa dami ng tao sa mundo hindi lang ikaw ang nasasaktan, kung sila nga nakakaya nilang dalhin bakit hindi mo makakaya db? at ang walang kamatayang everything happens for a reason na lubos kong pinaniniwalaan.. na minsan iniisip ko sa panahong ganito na sana dumating na yung reasons na yun, nakakainip mag hintay ng sinasabing dahilan kung bakit ka nasasaktan ngayon.. bakit kailangan mo munang mamatay bago mo makuha ang sagot?

sabi sa stat ng wag na u sad, andito na me page sa fb.. (paki like na din) ahahaha.. —>Why am I crazily crying for just one person? Not knowing that there are a lot of persons doing the craziest things just to make me smile. Smile —-> yah tama! pero kung iisipin mo din kaht pa ilang million na tao pa ang gustong magpangiti sayo kung iisang tao lang ang nagiging dahilan ng bawat ngiti mo. its useless!!! minsan nakakatawa nalang yung mga quotes na pwedeng magpaluwag ng bigat ng pinagdadaanan mo, pero ang RIYALIDAD ay hindi ganun kadali ang buhay at hindi ganun kadali ang masaktan….

Jan
18

buhay talaga parang life!!
kahapon lang nasa langit ka pero hindi mo alam kinabukasan bagsak sa earth na! (sakit sa heart! ay sa likod pala ) Smile
pero sa ganitong pagkakataon, may dalawang uri ng tao. mahina at malakas, dalawa lang yang pagpipilian mo. tanga ka kung pipiliin mo ang maging mahina.. fine! wag nating tawaging tanga ang mga taong nagpapatalo sa mga problema lalo na kung patungkol sa buhay pag ibig.. dahil lahat tayo alam natin kung gaano kalakas ang kapangyarihan nito, at maaaring kainin ang buong pagkatao mo…

sabi nga nila wala daw permanente sa mundo? naniniwala kaba? MALI! dahil ang pag ibig ay permanente, at hindi na eto mawawala sa ating sistema. maaaring hindi eto magiging permanente sa isang bagay o tao pero hindi eto mawawala sa atin.. ang magmahal..

nakakalungkot lang minsan na nagagamit ang pagmamahal sa maling paraan..ay mali! wala naman sigurong mali sa pagmamahal.. iba iba lang tayo ng pamamaraan kung paano magbigay at magpakita ng pagmamahal.. pero para sa akin ang tunay na magmamahal ay ang taong kayang magbigay ng respeto at loyalty sa taong mahal mo.. hindi ko lang eto binabase sa magkarelasyon, maging sa kaibigan at kapamilya.. nakakalungkot lang at nakakadismaya pag naramdaman mong mawala eto lalo na sa mga taong importante sa atin…

pero sabi ko nga… ang buhay parang life!

maihabol ko lang…
ang pagmamahal ay walang binibilang, ang magmamahal ay hindi mapagmataas, ang pagmamahal ay hindi dapat nanunubok, ang pagmamahal ay hindi maramot, ang pagmamahal ay walang sinusukat… at sa kabila ng lahat ang pag ibig ay IKAW…

at dahil ang pagmamahal ko ay hindi nagbibilang,hindi mapagmataas, hind nanunubok, walang sinusukat at hindi maramot.. ang pagpapalaya sayo ay lugod kong pinapaubaya… dahil ang katahimikan at kaligayahan mo ay nagbibigay ngiti sa puso ko..

masaya akong nakikita kang nakangiti at masaya..
hindi ko man eto makitang muli, alam kong malakas ka..
at kaya mong maging masaya muli wala man ako sa buhay mo..
Jan
15

This post is password protected. To view it please enter your password below:


Category: emo mode!  Tags: , , , , , , , , ,  Enter your password to view comments.
Jan
14

siguro kung nagsasallita lang blog ko sasabihin nya ” heto kana naman, pinapansin mo na naman ako porke kelangan moko! ” at may kasama pang tse! ahahha..

wala akong gustong mapagbuntungan, kahit mga kaibigan ko at taong mahal ko ayaw kong labasan ng tae ko ahahah.. naka ilang ulit naba nangyari eto? kaya naman here we go again!!! sa pagkakataong nasasaktan, nalulungkot, naghihinayang, nagsisisi.. ilang beses na nga ba ako nagsisisi sa mga nagagawang kong hindi ko sinasadya?? me and my big mouth!!! yah alam kong literal na malaki ang mouth ko ahhahaha. pero mas nakakainis ang laki ng sama ng lumalabas dito minsan pag nasasaktan at nagagalit at kung sinasaniban ay pag iinarte lang Smile

saan na nga ba ako pupunta ngayon??? panindigan ang desisyong ginawa ko kahit nasasaktan o ayusin ang sinirang nagawa para maging masaya uli??

hindi ko alam! basta ang alam ko nakasakit ako at ayaw ko nang makasakit muli.. lalo na sa taong pinakamamahal ko.. makokontento nalang akong titigan ka sa kalayuan, yakapin ka ng pagmamahal ko at halikan sa tulong ng hangin na pareho nating nayayakap..

mananatili akong pwepwesto kung saan mo huli akong iniwan.. kapag dumating ang panahon na maghilom ang mga sugat at pagmamahal ang mangibabaw.. kalabitin mo lang ako at higpit ng yakap ang isasalubong ko sayo.. sa tamang panahon at pagkakataon alam ko magsasalubong ulit tayo dahil alam ko at nararamdaman ko na.. WE ARE MEANT TO BE..

isa lang ang taong gusto kong makasama ko sa pag baba at pagtaas ng araw/buwan.. IKAW..

salamat sa mga ngiting nagpapatatag sakin...
Jan
13

okey… bakit ba okey ang title nito? wala kasi akong maisip na title.. well actually ang posteng eto ay epekto ng panunuood ko ng livestream ahahha.. dahil may napanuod lang ako sa livestream(last nato) Smile at topic nila ay tungkol sa pag ibig. gusto kong sumali sa conversation nila pero malamang pano ko magagawa yun diba? buti nalang may blog ako kaya sige dito nalang ilalabas ang aking opinion Smile

isa sa tumatak sa isip ko ay ang katanungang..

—> paano mo nga ba malalaman kung sya na ang para sayo?? ibig sabihin paano mo malalaman na yung minamahal mo ngayon ay sya na ang itinakda para sayo??

…… well i guess madali lang naman maramdaman yun eh.. naniniwala ako na ang pagmamahal ay nag fafade din sa paglipas ng panahon at maaari din mag fade eto pag hindi kana napapasaya ng iyong bf/ gf.. relationship is not just about love, kailangan mo din eto paghirapan or you need to work it out. hindi lang dapat nagdedepende sa pagmamahal na meron ka.. KAYO.. you have to make sure na napapasaya mo ang ka partner mo.. dalawa kase ang kaligayahan sa isang isang relasyon, meron yung masaya ka nalang dahil mahal mo sya, dahil kasama mo ang taong mahal mo. at ung isa ay masaya ka dahil hindi lang mahal mo sya kundi dahil napapasaya ka rin nito.. we always have to keep in mind na kumapit ka sa relasyong hindi ka lang masaya dahil mahal mo sya kundi dahil nagagawa ka nyang pasayahin.. and thats what we called “healthy relationship”… kase pag kumapit ka nalang sa isang relasyon ng dahil lang sa mahal mo sya dito dumadating ang mga 3rd party, dahil kapag nakakita ka ng taong kaya kang pasayahin doon pumapasok ang confusion. at once na meron nito sa isang relasyon ibig sabihin lang na hindi matatag ang pundasyon ng relasyon.. at yun nga ay dahil hindi mo napapasaya ang partner mo..

sa dami ng sinabi ko.. isa lang ang sagot sa katanungan na nabanggit ko.. kundi… “malalaman mong sya na ang taong para sayo kapag sa kabila ng lahat, ng pagkukulang, kahinaan, at lumipas man ang panahon ay mararamdaman mong hindi nagbabago ang pagmamahal mo bagkus ay lumalalim pa eto” maaring sounds funny sa iba lalo na sa mga taong hindi pa nakakaranas ng pag ibig na wagas.. naks!! hayufff ano bang sinasabi ko! ahahaha.. okey! forget it Smile

-—-> maaari mo bang maging kaibigan ang ex mo?? ikaw kaya mo ba? ehehe….

……. well in my case ahaha.. tsk! Smile lahat ng ex ko ay kaibigan ko.. true! minsan hindi maiiwasan na mapag usapan ang nakaraan nyo pero kapag wala na talgang feeling ay pagtatawanan mo nalang.. sbi ko nga, minsan akala mo mahal mo pa pero ang totoo ang pinagsamahan mo nalang ang mahal mo Smile
but some cases, may mga taong hindi kaya dahil ang sabi bumabalik daw ang feeling kung maging magkaibigan pa kayo, hmmm kung pareho kayong single, yah maaari. pero kung pareho ng my bagong jowa, hindi rin lalo na kung masaya na kayo pareho sa mga bago nyo db?
pero meron namang talagang kahit anong mangyari ay wala na ang feeling at dun nagsisimula ang isang mabuti at magandang pagkakaibigan Smile
pero we have to admit na mahirap i achieve to kase lalo na pag may mga bagong jowa na kayo dahil siguradong magseselos ang gf/bf ahahhah.

-—-> if you love her/him set her/ him free?? hmmmm magpaka hero? Big Smile

….. well in my opinion, if you love someone you have to fight for it.. dahil sabi nga ni bob ong.. Kailangan mong libutin ang buong mundo para lang makaharap ulit ang taong tinalikuran mo.. dahil sa kahit saglit na pagtalikod mo marami ang maaring mangyari…

pero pag totoong mahal mo ang isang tao, wala kang hangad kundi ang kaligayahan nya.. kaya kung kaligayahan nyang wala ka sa buhay nya i guess d’yan lumalabas ang if you love someone set her/him free Smile

( your smile brings smile to me… kaya ng makita kitang masaya no bitterness, masaya ako para sayo coz you deserves it) Smile

OKEY… TAKE IT WHATEVER’S MEANT FOR YOU.. Smile

and you are to me…
Jan
02

hindi ko alam isusulat ko ngayon, basta gusto ko lang mag update… Smile
ang ganda ng petsa ngayon ano.. 1.1.11..wala lang nasabi ko lang, sabi ko nman eh hindi ko alam sasabihin ko ahhahaha… aha!!! new years resolution nalang!! Smile

okey! lets start.. (buntong hininga) Smile

MY NEW YEARS RESOLUTION FOR 2011..

—> i will lessen my being sweet, loving en pa effort na, para secret lang ehehhe

—> babawasan ko na ang pagiging stalker type ko! ahaha.. para hindi lage na huhurt. sabi nga the more clueless you are the less pain you’ll get Smile

—> ill be more matured na! (susme! mag 29 nako this yr at ngayon ko pa naisip maging matured) ehehe.. naku every yr ko ata yang yr new resolution pero hindi nagagawa ahahha. siguro dahil i still live with my mom so ayun, lazy pa rin at walang pake sa mundo ehehe..

—> ill be more active and not so lazy (cross finger) Smile

—> ill be more responsible sa mga pagbayad ng bills ahahhaa

—> ill less my shopping ng mga hindi ko naman kailangan para hindi nashoshort sa pag bayad ng bills eheheh..

—> i will give my self attention na. especially sa face ko ahaha.. kase naman im not like other girls na conscious sa katawan or even sa face, kaya ayan! ayan! ah basta! ehehhe..

—> i will talk to my mom ng mas madalas na. at magiging nice nako. well nice naman ako pero more pa Smile

—> lessen na ang pagiging senti. naku!

—> bawas na ang kakaisip Smile

—> at higit sa lahat, papataba nako! ehehe..

alam ko meron pakong nalimutan pero blanko utak ko, sana lang hindi sya mablanko buong taon ahahaha… wish ko lang ay mas maging hapi ang taon ko ngayon Smile (crossfinger) HAPPY NEW YEAR!!.

Dec
31

bakit may part II? kase naman nakapag update nako, kaso si ronnel eh nag lipat ng hosting at hindi nasama ang 2 new post ko! tsk! im so pissed off!!

JOWK LANG!!! Smile

halabshu nel! ehehee..  anyways uulitin ko nalang…

nais ko lang magpasalamat sa lahat ng naging bahagi ng aking 2010.. salamat sa mga bloggers na nagpasaya sa mga kulitan, kontest, at mga kaadikan na hangang fb at ym ay hindi pinalagpas…

sa mga bloggers na naging matalik na kaibigan. maraming salamat sa pagdamay sa mga dark days or kaemohan eheheeh.. mahal ko kayo!

sa mga umaway sakin sa loob at labas ng blogosphere.. sige hapi new yr nalang!!!  maputukan sana kayo! jowk ehhehehe… peace on earth Smile

at salamat sa mundo ng blogging.. kung hindi dito ay hindi magiging makulay ang 2010 ko.. weird man pero sa blogosphere umikot ang mundoo ko ng buong 2o10! ahaahha… pero sana next yr hindi na Smile pero syempre hindi naman na mawawala sa buhay ko ang blogging dahil eto ang kadamay ko sa tuwing akoy nag eemote sa buhay ehehehe.. at syempre nandito ang mahal kong kaibigan Smile

samalat sa mga naka lovelife ko! ahahha… sa loob at labas ng blogosphere.. ahahaha.. hanggang sa uulitin! jowk! ahaaha.. salamat sa mga alaala Smile

salamat sa mga pinakamamahal kong pamilya. syempre sa pagmamahal na walang kapantay!

at last but not the least.. yun lang bow!!!

jowk!! ehehhehe…

syempre salamat sa aking pinakamamahal.. sa pagbibigay ng magagandang kulay sa  aking 2010. hindi man perpekto pero sapat na para masabi kong may magandang nangyari sakin sa taong eto..  hindi ako sigurado kung makakasama ka pa  rin sa pag lalakbay ko sa susunod na taon (pero mas masaya kung kasama ka), pero isa lang ang sigurado ako.. sa susunod na taon at sa darating pang taon, habambuhay kitang dadalhin sa aking puso.. salamat sa lahat. at magbago man ang lahat , ang sitwasyon.. hindi magbabago ang nararamdaman ko at habambuhay kong pagpapasalat ang pagbibigay ng pagkakataong makaramdam ng pag ibig na tapat at totoo ng dahil sayo..

SALAMAT SA LAHAT NG ALAALA.. MAHAL KO KAYO!

Oct
28

repost lang po eto from emoterong bulol.blogspot. dont worry with permission nman so u i wont get sue ahahhaa. ewan ko lang sya kung nagpaalam sya sa pinagkuhanan nya ahaahha..

1. Lower your standards.

If you lower your standards, there would be least chances of failure. Don’t aspire for the best, just be contented. In this way, hindi ka masasaktan if reality did not made it to your expectations.

KAYEDEE: prang dito ako na awtz ah! ahahhha..


2. Don’t be yourself, become someone else.

- Because if someone rejects you when you’re in the state of being true, it will hurt triple times and it would be hard to imitate someone on the last minute. Because if you are a copycat, when you are rejected you can still show them what’s your true identity.

KAYEDEE: nope. being yourself  is the best thing you will do.


3. Stop dreaming

- Because when you dream, you strive hard for it, then you will expect something in return, then you will flunk, then you will die. Especially those who dream big time, as in the impossible ones as if they are reaching for the stars. Masakit magising sa katotohanan lalo na kapag nag-effort kang gumawa ng napakasarap na panaginip.

KAYEDEE: dissagree uli. just keep on dreaming sabi nga ng journey till you finds your true happiness Smile


4. Don’t fall in love, because it HURTS

- 100% correct. It hurts when you are rejected, it hurts when you see him/her with someone else, it hurts when he/she does not have any time for you, it hurts when he/she changes and it almost hurts everytime.

KAYEDEE: shetness. who cares, i will still love her over en over agen! Smile


5. Less talking, less fighting

- Cause when you say nothing, there would be no reason to stumble upon fighting. Less talk means less bruises too. The major hindrance for happiness is problems, Be silent and you would have no problems.

KAYEDEE: hmmm. tamaaa rin! sana kc natulog nalang ako bakit kc nag pm pa! napunta tuloy sa… haizzzz Frown


6. Try to buy HAPPINESS

- Cause sometimes material things can make you really euphoric, especially a laptop on my case.

KAYEDEE: well yah laptop is on my xmas wishlist ahahaa. but still. MINE is my happiness Smile

define your own happiness Smile


Oct
07

sa isang hindi inaasahang pagkakataon dumating ang isa na namang IKAW sa buhay ko..
natulog ako ng nakasimangot pero biglang gulat ko ng gumising ako ngayon ng nakangiti..
dala ang pag asang hindi na muli matutulog ng simangot. OMG! kakapangit kung alam mo lang! lolz!
(at ngayong feeling maganda nako?) oo naman! wag kang mangeelam moment ko to Big Smile

maraming tanong..
maraming pagdududa..
maraming hindi sigurado..
maraming pag aalinlangan..
maraming takot…
maraming bugtung hininga..(my hika pala) ahaha!
maraming epal… bwahh!
marami akong sinasabing walang kwenta! kaya itigil nato ahihihi..

marami man ang marami na yan… ang importante ay MARAMING SAYA… saya na dulot ng ikaw sa buhay ko.. kaya heto ako’t lumalaban sa lahat ng ipis na sagabal sa ating relasyon.. ipaglalaban at magiging matatag para lamang makasama ka ng habambuhay.. OO! habambuhay! as in forever. (may angal ka??) umapela ka sa baranggay kung ganun! ehehehe!!

my hihingin lang sana ako sayo…. isa lang…. as in one lang… hindi dalawa pero isa lang talaga… eto lang talaga pramis…. wala ng iba pa… yun ay yung wag kang bibitiw…(lumuhod umiiyak at sinasabing parang awa mo na) ROTFL

sa lahat ng lungkot, ngiti, luha at saya… SALAMAT..
AT MALIGAYANG SPECIAL DAY MINE….. MAHAL KITA….MWAH!

AKO.. IKAW.. TAYO…  AT ANG KWENTO NATIN .. Blush

YES….IM SINCERELY AND BRAVELY INLOVE!!!! Grin


p.s
sa mga kaibigang
tumanggap at umunawa!
mahal ko kayo!
at sa mga ewan!
kalbo kayo kay lee! lolz!!

Sep
15

depth of my love for u..

it was quite unusual
not an ordinary moment
it was undescribable
that’s when i knew, i was fallin’ for u..

you were an ordinary pal
a friend in its real sense
but not for long
coz i suddenly fell..

not ordinary
coz it really felt good
a feeling can’t be explained
so real, so unconditional..

it was love
definitely!
coz at that moment
the whole world tends to stop..

it was unbelievable!
i was totally hooked by you
someone i never expected to be with
someone very special

the feeling gets stronger
as time moves faster
it was real
i am deeply inlove..

this is something
you may laugh about
but you make my world
really spinning round..

when i had you
i know i had my own
so i stopped minding
whatever is theirs..

you may think and act like hell
but what the heck!
i won’t mind
i still love you..

you may be different
but that’s fine
that’s you,
my one true love..

you may not fit any of their standards
it doesn’t matter
you fit mine
so the hell i care!

you may not be their type
and so what?
you are my everything
that’s all that matters..

they may not understand
who cares!
i am deeply inlove,
inlove bravely and sincerely..

that’s how deep it is
a love that will stand the test of time
a love that will conquer all
the depth of chriz’s love for u…

——–>chriz

ps.

oo! ako nang wala sa wisyong magsulat kaya nman naghatak nalang ako ng mag susulat para sakin! ahahhha.at pasensya na kung mauta kayo sa kesoness ko! ahahaaha

Sep
10

It’s you I want to be with today..
I love the idea of waking up each day with you beside me, your face I see when I close and open my eyes..
the sound of your heart I hear each time I move close to you..
the feel of your breath each time i put my face over yours..
and those things makes me realize,

you are really meant for me and me for you..

it’s you I want to be with tomorrow..
holding hands as we go through each day of life..
grow beside each other..
laugh and cry with no hesitations because I’ll be here for you and you’ll be there for me too..
close to each other while watching the sun rise and set..
staring and laughing at each other while making the whole world know we found each other,

we are meant to be..

i would still love you tomorrow, for life with you means everyday of happiness and dream come true…
tomorrow may be another day but it will start and end with me whispering iloveu yesterday and even more today and forever..

and yes, iloveu for the simple joys you give me..

who would have thought that someone like me would find someone as sweet as you..
now i truly believe that angels exist for i found my heaven in you..
you are my peace of mind, the very essence of my being..
when  i  found you, i know i found my home..

you are my love..

the very reason why  still believe this heart is now  complete and whole..
you are my sweet surrender..
with you i would gladly give it all, take all the risk and give every inch of best in me…

you are my happiness..

the only reason i love waking up each day and face the world.. it’s you i want to be with forever..  spend the rest of my everyday life with you..

i am here… i’ll take you forever..

p.s

“Isn’t it amazing how a person who was once just a stranger, then suddenly meant the world to you”

translation….

dedma ka lang sa ym noon, inbi lang sa fb.. pero ngayon.. HU CARES BOUT THE BILSS! LOL

Sep
05

MAKAPAG UPDATE LANG!!!!

pasensya na kapatid na ronnel. baka sabihin mo walang kwenta ang pagbigay mo ng dotcom sakin kase hindi naman ako nakakapag update LOL  pasensya naman Oops!

naging busy lang ang lola nyo this past few days.. (eh san naman?) wala lang busy busyhan lang! LOL  ang totoo.. ang niluluto kong bagong post sana ay ang kantang ni request kong song na pina unlakan naman ng ating co blogger na moging mogi (oo mogi, wag n magtaka ahaha) na si jag.. gusto ko sana i share baka lang madiscover parang si charice, malay mo gawin akong assnt ni jag LOL   pero sori jag alam kong matagal mo ng sinend sakin, kaso nagkakaproblema lang sa boses ko!! LOL Eek!  i mean sa song mo. malaki daw masyado kaya ayaw magload. pero gagawan ko ng paraan pramis! Rolls Eyes

anyway highway…. napahaba lang intro ko Alien

isa lang ang gusto ko talagang sabihin………….


I LIED!!!! MARAMI PALA AKONG SASABIHIN….. AHIHIHI!

p.s

i dont have any doubts.. its jaz dat…
“kakainis ng hindi mo alm san ka lulugar”
Aug
24

i heyt mah self for being lazy, sana ako nalang si sis len na masipag! kaya nman lage bz ang sis ko  na yan! ehehe.

i heyt mah self coz till now hindi ko pa din nakikita si right one, buti pa si sis jam masaya ng kasama ang kanyang pinakamamahal na si hubby.ehehe

i heyt mah self for being sooo ugly! bakit ba hindi ako binigay ng beautyness ni ter unnie kaya ayan lage confused si heart nya! haba ng hair peace ter! ahaha.

i heyt mah self  kase wala me tiwala sa self ko, buti pa si bestfren kilabotz alam na alam nyang wafu sya at lage nya pinagmamalaki! ahaha.

i heyt mah self  coz hindi ako katulad ni ate kaye(tutubi) na madaling naka move on, at ayun oh lumalablyf na agad! ahaha.

i heyt mah self for being such a looser! buti pa si kuya eli (busyok) sikat! ehehe.

i heyt mah self coz trying hard ako sa pag kanta, buti pa si ate liz (etchosera) at si jag biniyayaan ng mgandang boses. ehehe.

i heyt mah self coz ang pangit ng mata ko walang dating! sana akin nalang ang mata ni davin. ehehe.

i heyt mah self dahil wala akong talent sa pag drawing! buti pa si kuya duking hanep sa galing mag doodles. ehehe.

i heyt mah self, bakit kase pinakabulgar ko ang feiz ko! sana ginaya ko nalang si lolo kulisap na anonymous to death ang drama. ahaha.

i heyt mah self, kase feeling ko ang bait bait ko (feeling lang nman! pde nman mali ang feeling ko) ahahhaha.. sana tulad nalang me ni salbe na salbehe. peace salbe! ahahaa.

i heyt mah self coz single ang stat ko buti pa si leemi inlababo (behaveness ako)  ahahah.

i heyt mah self coz ang tanda ko na! sana kasing edad ko lang si eloiski, at mareng darklady edi sana nag sskul palang ako at hindi ako nag aadik ngayon sa blogosphere. ahaha.

i heyt mah self  for being weak! buti pa si kurach strong woman.. naks! eheheh.

i heyt mah self for being slow mover! sana tulad nalang ako ni anjhong na isang tulog lang nya ay okey na xa! ehehe.

i heyt mah self kase hindi ako palasimba.. would you believe na mahigit isang taon nakong hindi nakakadaan sa church! sana makuha ko kahit konti ang pagiging active ni kuya pong sa church.

i heyt mah self for being morena! kase mas gusto ko ang light lalo na ang kutis ni ate anne(sphere) na malambot at maputi. ahaha.

i heyt mah self for being ewan ko ba! ahaha. basta alam ko kakainggit sila poy at koy coz they’re deeply inlove to think na sa blogosphere lang sila nagkakilala at now ikakasal na.. amazing diba?(sori nabuking ang lab story nyo) ahaha.

AND BECAUSE I HEYT MAH SELF! ITATAPON KO NALANG SARILI KO………..!

PWEDE BANG PAG TINAPON KO SELF KO PULUTIN MO AKO???

WOULD YOU MINE??

i mean

WOULD YOU MIND?? LOL

Aug
20

JAN.28,2010- noong una kitang makilala medyo tumaas ang kilay ko kase parang ang suplada mo..hinde ka yung tipikal na nadadaanan kong mararamdaman mo ang warm welkam na parang sayang sayang maamoy ako! eheheh..pero sige okey lang nadaan lang naman ako sayo at wala nama akong balak mag stay nang matagal.. pero on the same date eh himala at napasyal ka din sakin. okey lang Cool

ang totoo mejo may selos factor pa ako (oops ngyun lang mabubuko na selosa ako lolz) nuon kase ang close nyo ni mahlabz at naglalaro pa kayo ng unahan base at may premyo daw kaya naman medyo umepal ako at nakisali pero parang dedma lang! ahahaa. (sus! eh wala naman palang premyo!) Alien

FEB.8,2010- unang beses mo akong tinawag na sis. nasabi ko sa self ko. ehem ehem! eto na! im sure ang eto na ang simula ng pagbabago ipatrol mo! ahaha. i mean eto na ang simula ng pagkakaibigan, nararamdaman ko! ahahaa. at hindi nga ako nagkamali LOL

FEB.13,2010- unang beses na tinawag na din kitang sistah  Grin at bakit medyo natagalan? kase few days kang nawala, nakikibasa lang, yan ang sabi mo ehehehe. at ngayon medyo tamad na ako dahil ang haba ng sistah eh sis nalang din ang tawag ko LOL

early MARCH (nakalimutan na ang eksaktong petsa, kase naman ang adik na chatbox ay ayaw umabot ng march ang archieve) ay unang nakipagkwentuhan, biruan,kulitan at bolahan na kasama si kikilabotz. bolahan kase nangako sa isat isa na magbebestfriend na tayong tatlo at walang iwanan kuno! (at nasaan ang mokong na yun?! ayun bisi bisihan, na nagpapalaki ng katawan!) minsan mo nga lang makausap sa chat eh bigla pang paglolog-out! (buti nalang nagtxt para sabihing inagaw ng papa nya ang computer etc etc) magaling talaga maglambing yang batang yan! Rolls Eyes  (eh teka hinde nman sya ang bida dito!) ahahhahalolz anyweizz…

APRIL 2010, una kong naramdaman ang pagiging loyal fren mo.. uber tats ako dahil hindi mo ako iniwan sa panahong inaaway ako! ahahaha. at hanggang sa ngayon ay ramdam na ramdam ko ang pagmamahal,pag iintindi sa kalokohan,kabisihan,at kaadikan ko, at higit sa lahat ay sa pag tanggap ng walang halong panghuhusga (sermon lang) ahaahaalolz…

masaya ako sa pagkakataong magkaroon ng isang mabuti at tapat na kaibigang katulad mo! sana at alam kong hindi lang sa loob ng blogosperyo mananatili ang ating pagkakaibigan dahil magiging magkumare na tayo in real life! ayieeeeee.

kaya sa isang mahal na kaibigan nais kitang batiin ng isang masagana at maligayang kaarawan….

HAPPY BIRTHDAY MAH SISTAH JAM!!! halabshu! much much much!!! Kiss Kiss

AND HERE’S MORE LINK…..

—->kayedee31.blogspot.com

—-> youtube

ps.
sori sis nalantad na nman ang feiz mo! ahahlolz. pag magkoment ka ilagay mo sisa para hnd nla alm na ikaw yun LOL

Aug
14

why do we need closure after the break-ups??

does it really help you to move on??

before the closure:

wala akong ibang hiniling kundi ang makausap ka,masabi sayo ang lahat lahat ng nararamdaman ko… kung paano, saan, kailan, ano ang nangyari sa atin nuon.. pero sampung buwan.. sampung buwan kang nanahimik, tikom ang mga bibig na pinagdamot ang kalayaan kong maunawaan ang lahat.. nag libang ako, madaming nakilala, madaming dumating pero mabilis din namang umalis. pero sabay ng pag alis nila sa buhay ko ay ang pakiramdam ko para sa kanila. pero bakit  sa tagal ng panahong eto at sa dami ng nangyari ay hindi pa rin maalis ang mga tanong namamagitan sa ating nakaraan… iniisip ko, closure ba ang hanap ko??

while the closure:

eto.. eto na ang pinakahihintay ko! hindi ako makapaniwala,bilis ng pintig ng puso, habol ng hininga, panlalamig at excitement…. yan ang mga naramdaman ko nang mga oras na eto. para akong shot gun na walang tigil sa pagtira ng gatilyo. hindi ko mapigilan ang sarili kong ilabas lahat lahat ng gusto kong sabihin sayo (eh maimbak ba naman sya ng sampung buwan) na halos wala na akong pakielam sa paliwanag mo, ang mahalaga ay ang mga sasabihin ko. pero nagtyaga kang makinig (hindi ko alm kung nakinig ka or sadyang busy ka lang) at wala pa rin akong pakielam basta pakinggan mo lang ULIT ako. naintindihan mo ang pinagmulan ng himutok ko nuon.(naintindihan mo nga ba?)

hindi man malawak ang pag uusap na iyon, marami mang hindi pa naliwanagan. sapat na para sakin na nalaman mo ang panig ko at ang panig mo. nakakapanghinayang lang na sa hindi pagkakaintindihan lang talaga nag simula ang lahat, pero gaya ng sabi tapos na, nangyari na. hindi na maibabalika ng nakaraan. at pareho lang tayong nabuhay sa sakit.

after the closure:

ang tanong…. nakatulong ba sakin?
nakatulong ba sa iyo?
gumaan ba ang pakiramdam ko nang masabi ko lahat ng gusto kong sabihin at marinig kang muli?
mararamdaman ko na ba ang peace of mind na hinahanap ko?
dapat ba akong matuwa na malalakbay ko na ang buhay ng walang naiwang tanong saan,paano,bakit at ano?

or dapat ba akong malungkot dahil may closure na, tapos na,stop, the end na ang meron tayo?

KELANGAN KO BA MAGTANONG AT NAGDEDECIDE NA NAMAN AKO AGAD AGAD?

Aug
10

This post is password protected. To view it please enter your password below:


Category: cheesy much!!!  Tags: , , , , , , , ,  Enter your password to view comments.
Aug
06

eto ba’y may katotohan o kathang isip lamang?

maraming nagtataka, nagdadalawang isip, nabibigla, nagdududa at kung minamalas ka pa ay may mkakasalubong kang magtataas ng kilay at manghuhusga. pero kung swe-swertehin naman ay may mga mamamangha kung bakit at paano nagaganap ang ganitong klaseng relasyon at pagmamahalan.

paano nga ba nabubuo ang pagmamahal sa isang virtual world?
paano mo mamahalin ang isang tao ng hindi mo pa nakikilala ng personal, nahahawakan at minsan pa nga ay ni hibla ng buhok ay hindi mo alam dahil sa hindi mo pa nakikita. masasabi mo bang may pagmamahal na pwedeng maganap dito?

sapat na ba ang bawat tipa para maging daan upang mapahatid ang pagmamahal?
sapat na ba ang ang mikropono ng kompyuter upang iyong marinig ang mga boses na nangangatog sa panananabik sayo?
sapat na ba ang mga litrato o webcam para maramdamang kapiling ka?
sapat na bang ang mga puso lamang ang nangungusap?

maaaring eto ang pinakamahirap at komplikadong relasyon na pwede mong pasukin, pero ano bang pinagkaiba nito sa relasyon na magkasama? na nahahawakan ang pinakamamahal mo? na nasasabi mo sa mga mata nito kung gaano mo sya kamahal? MERON BA?

WALA! dahil ang pag ibig ay nanggagaling sa puso hindi sa kilos.. maaring magsinungaling ang bawat kilos mo pero hindi ang sinasabi at dinidigta ng puso mo.

masasabi kong ang ganitong klaseng relasyon ay kahanga hanga dahil kinakailangan ng matinding katatagan, buong pagtitiwala, at purong pagmamahal na sapat ng sabihing PAG-IBIG.  pag-ibig na syang pinakamalakas na emosyon at pinaka makapangyarihan na maari mong makalaban. nang walang maaring makapag hadlang, kahit pa ang layo at distansya sa taong minamahal o kahit ang mga matang mapanghusga..

kaya kahit hanggang universe ang layo mo at nasa loob lamang ng birtwal na mundo nagaganap ang pagmamahalan ay tunay na PAG-IBIG ang namumutawi na nadadala sa reyalidad ng mundo na ating ginagawalan.

alam kong ang  pag -ibig na nabubuo sa BIRTWAL NA MUNDO ay sa RIYALIDAD din ang tungo!

p.s…walang pakialamanan sa birtwal word ko ahaha.. LOL  ang boboto sakin may chocolate! ahahaha Evil Grin

Aug
02

shaks! AGOSTO NA!

bakit ang bilis ng araw?? BAKIT?!

masasabing kong agosto ang pinaka espesyal na buwan para sakin maliban sa hulyo dahil sa aking kaarawan Grin, espesyal dahil nasanay akong icelebrate ang aming anibersaryo ni 10yrs tuwing sasapit ang ika 15 ng agosto. ahihihi.. pero maliban duon ay nuong nakaraang taon ng agosto naganap ang masasabi kong isa sa pinaka masayang araw ng buhay ko (isama na ang setyempre) Evil Grin at ngayong taon sana ay magaganap uli ang maaring masayang buwan ng taon ko kung hindi ko pinalagpas (mula sa previous post) Fingers Crossed

napakabilis ng panahon, isang taon na ang nakakalipas mula ng naganap ang magandang ala-alang iyon Cry sana my time machine, sana pwede mag wish na ibalik ang panahon, sana pwedeng mag take two. sana sana sana.. pero ang nakaraan ay nakaraan na, mahirap ng bumalik or should i day hindi na maaring maibalik.. bakit kung gaano kabilis ang mga nangyari(pagmamahalan) kasabay ng bilis ng pagpapaalam ay sya namang bagal ng pagtanggal ng pananabik sayo? parang isang tinik na nakaharang na walang sinumang makapag paalis nito? bwiseeetttt…

tuwing sasapit  nalang ba ang agosto at setyembre ay mangungulila ako sayo? kung ganun, pwede bang ihiling na tanggalin nalang sa kalendayo ang dalawang buwan na nabanggit ko..(tama! pag my dumaan na wishing star ay yun ang hihilingin ko) ahahaa..

kaya naman… asahan na ang ma emote na si kayedee sa darating pang araw! (shaks! wag nman sana).. please bear with me… sorry for the inconvenience… Evil Grin

p.s
hindi eto entry para sa KM espesyal edisyon ROTFL

Jul
30

ako’y lutang.. ako’y nahulog sa bangin.. ako’y lito..

gaano ba kasaya ang pakiramdam na alam mong mahal ka ng taong mahal mo??

gaano ba kasarap pakinggan ang salitang mahal kita na magmumula sa taong gusto mong sabihan neto??

pero alam mo ba ang sakit na dulot nito dahil alm mong hanggang duon na nalang yun?…  salitang pwedeng bigkasin.. pakiramdam na masarap yakapin…

saan ba dapat lumugar??

sa  TAMA or GUSTO mo…

sa UTAK or PUSO mo…

gusto kong sabihin na wala akong pakialam sa sasabihin mo! wala akong pakialam sa sasabihin ng iba! dahil ang pakialam ko lang ang sasabihin ng PUSO ko!….. pero…. mahina ako sa konsenya ko!

kaya kong tanggapin ang nakaraan mo pero hindi ang kasinungalingan mo!

im HOPELESS but not DESPERATE
im BLIND but not DAMN
im MARTYR but not STUPID

kakalimutan ko ang mga nangyari.. kakalimutan kong nararamdaman ko.. but i wont forget your ILOVEYOU… a single word that will stick in my heart and stay’s tattoo in my mind..

hanggang dito nalang..

im sorry……

Jul
23

SECOND CHANCE…

ilang beses mo na bang sinabi or hiningi eto sa buhay mo??

madalas hinihingi ko eto sa itaas tuwing kinakausap ko sya.. madalas kasi akong magkamali sa mga desisyong nagagawa ko sa buhay. at hindi naman ako nabibigo dahil binibigay naman nya ang pangalawang pagkakataon na iyon. kahit na madalas eh paulit ulit kong hinihingi sa kanya dahil hindi ko matama tama ang mga bagay na minsang nahihirapan akong gawin. pero nandyan pa rin sya na walang sawa na magbigay sakin ng hindi mabilang na second chance.

IKAW? nagawa mo na bang magbigay ng pangalawang pagkakataon sa mga taong nanghihingi nito sayo?
ilang beses mo na etong hiningi sa mga taong mahalaga sayo or sa buhay mo?

AKO? hindi ko alam pero hindi mahirap para sakin ang mag bigay nito.. minsan hindi lang second ang kaya kong ibigay, third,forth,fifth… nabibigay ko! kaya naiisip ko katangahan na rin minsan! ahaha..(pero lahat my katapusan)

pero bakit may mga taong mahirap etong ibigay sa mga nanghihingi nito sa kanila.. sori pero feeling ko madamot sila. everybody needs a second chance.. kaya nga may salitang pagsisisi ay para maitama ang mga pagkakamali..

at hindi ba mas madaling huminga kapag walang taong nahihirapan dahil sa pagdadamot mo ng pangalawang pagkakataon?, mas madaling kumilos dahil hindi nakakahon ang mundong ginagalawan mo dahil baka magkasalubong kayo? at mas makukuha mo ang kalayaan dahil alam mong nagpalaya ka ng isang damdaming kakakulong sa iyong pagmamahal.

If you have made mistakes, there is always another chance for you. You may have a fresh start any moment you choose, for this thing we call ‘failure’ is not the falling down, but the staying down.



ps.
ang totoo walang pupuntahan ang posteng ito!
may masabi lang! ^^

Jul
15

tenennnnn!!!! welcome to my kayedee15.com! ang aking bagong bahay Smile at eto po ay isang regalo din ng isang bagong kaibigan ehehe.. salamat ng marami kaibigang RONEL!! mwaaahugz! sana wala ng baiwan.. ahahah.. sabi ko naman eh pix greet nalang eh para hindi kana gumastos.. o well mayaman ka nman ata kaya salamat nalang ehehhe..

at sa mga kaibigan kong nandito.. maraming maraming salamat po..! you guys are awesome… sobrang mahal ko kayo!!! mwaaahugz!

AND WANNA MEET YOU GUYS MY BEST FRIEND OUTSIDE THE BLOGOSPHERE… JACKIE!

AND MY NIECE AND NEPHEW ABBY AND JADEN!

AND MY FAVORITE COUSIN/BABY RYAN!

AND LAST BUT NOT THE LEAST ANG NAKAKATATS NA REGALO NG AKING BESTFRIEND KIKILABOTZ/MAHLABZ!

AND HERE’S OUR VIDEO ^^

MY BIRTHDAY IS AWESOME BECAUSE OF YOU GUYS!! THANKZ A LOT!! APPRECIATE MUCH!! MWAAHUGZ!