Tag-Archive for » ol bout lyf «

Aug
14

habang tumatanda ako, ay mali bata pa pala ako ehehe.. habang tumalaki ako, teka parang hindi naman ako lumaki kase yung size ko 10yrs ago ay ganun pa rin till now ahaha, sige habang nag kakaisip ako wait lang may isip naman ako kahit nuon pa ah!! haiii habang nagmamature ako. ayan swak na! ahahaha.. sige tuloy na ang kwento Smile yun nga, habang nagmamature ako narerealized ko na isang napaka kumplikado pala ang salitang trust o pagtitiwala.. totoo.. madali etong sabihin, yah i trust you. pero minsan ang hirap pala panindigan kase tao eh, hindi tayo diyos na alam ang ginagawa ng lahat 24/7 at iniisip ang nasa utak ng mga taong nakapaligid satin, kaht pa ng mga taong mahal natin..  kaya bigla ko naisip, ang hirap pala maging judge sa korte, kaya pala nag babase lang sila sa mga ebidensya, sa mga testigo, at statements ng bawat nasasakdal. at binubusisi talaga ng mabuti ang mga pangyayari. kase hindi naman madali ang magbigay ng hatol dahil wala tayong kakayahan na basahin ang nasa utak ng iba..

ako ang taong madaling magtiwala, kase iniisip ko ano naman ang magiging dahilan nila para magsinungaling or traydurin ako.. ang sama nun.nakakahiyang gawin.. at hindi ako ganun ako.. pero tama nga sya.. hindi porke hindi ka ganun ay magiging malinis din ang tingin mo sa iba.. ilang billion ba ang tao sa mundo? ang mundo ay hindi isang paraiso na puno ng mabubuting nilalang..

at isa sa pinaka masakit na pagdadaan mo sa buhay ay ang pagsisisi.. regrets..  pero hindi yun maiiwasan. sasabihin mo sana hindi ko nalang eto ginawa, sana hindi nalang nagbigay ng sobra, sana ginawa ko nlang eto. maraming sana… pero hindi dapat.. dahil ginusto mo yun kaya ginawa mo kaya bakit mo pagsisihan ang isang bagay na ginawa mo dahil ginusto mo diba?.

minsan may mga taong ginagawa nalang ang gusto nilang gawin para hindi sila masaktan, hindi nila iniisip kung tama pa ba o hindi. nananalo ang puso sa utak. at eto ang mga taong mahina.. at mayroon namang mga taong ginagawa nila ang tama at dapat kahit pa ang  kapalit ay ang masaktan sila ng sobra sobra dahil pinaiiral nila ang utak bago ang puso. at sila ang mga taong malakas, matibay at matapang na harapin ang ikababagsak. hindi madali ang masaktan, pwede mo eto ikamatay pag hindi mo nakayaan kaya hindi mo masisisi ang iilan na sundin ang sinasabi ng puso kahit pa ang kapalit ay hindi na tama…

isipin mo nalang na nakayang mong lagpasan ang sakit na pinagdaanan mo nuon bakit hindi ngayon? sa dami ng tao sa mundo hindi lang ikaw ang nasasaktan, kung sila nga nakakaya nilang dalhin bakit hindi mo makakaya db? at ang walang kamatayang everything happens for a reason na lubos kong pinaniniwalaan.. na minsan iniisip ko sa panahong ganito na sana dumating na yung reasons na yun, nakakainip mag hintay ng sinasabing dahilan kung bakit ka nasasaktan ngayon.. bakit kailangan mo munang mamatay bago mo makuha ang sagot?

sabi sa stat ng wag na u sad, andito na me page sa fb.. (paki like na din) ahahaha.. —>Why am I crazily crying for just one person? Not knowing that there are a lot of persons doing the craziest things just to make me smile. Smile —-> yah tama! pero kung iisipin mo din kaht pa ilang million na tao pa ang gustong magpangiti sayo kung iisang tao lang ang nagiging dahilan ng bawat ngiti mo. its useless!!! minsan nakakatawa nalang yung mga quotes na pwedeng magpaluwag ng bigat ng pinagdadaanan mo, pero ang RIYALIDAD ay hindi ganun kadali ang buhay at hindi ganun kadali ang masaktan….

Mar
26

SURPRISE! ahahaha!!.. a simple greeting is not enough for a friend who is so dearly to me.. i was about to make a vid for u sis kaso that ugly facebook (jowk ehehe) kasi naman sis, i can’t grab your pictures coz of the new achuchuchu ahahaha!.. arte ko lang! bday u kase sis eheheh!!

saan ba nagsimula ang frienship?

naalala ko nuong hindi pa ako blogger, nakikita lang kita sa bahay ni you know… ehehe.. en when i check your blog, i was amazed sa dami ng friends mo.. naisip ko pa. (sus hnd naman kagandahan) ahahha!! sori may dugong bitter talaga ako! ahahah!!  tanannnnn! at nang naging blogger nako nako, dinadaanan lang kta kase nahihiya ako bumati sa dyosa ng blogosphere ahahahha… eh pero dahil naakit ako sa ganda mo xge nagparamdam nako.. aba! akalain mo after nun eh inaraw araw mo na ako sa bahay ko… (kinilig ako hindi lang halata) ahahaha!

seryoso.. i didnt expect that i could find someone like you, sa mundo pa ng blogosphere na sabi nga eh maraming mascara na pwedeng masalubong.. salamat at isang mascara ng pagkakaibigan ang aking nakita sa iyo.. totoong kaibigan..

what makes her(pinkdiaries) so special?

syempre everyone agree na she’s pretty…

at hindi lang pretty, with brain pa.(san kapa!) Smile

a lady with a pretty face and a beautiful heart..

malambing like me Smile

seryoso pag bigay ng advice after you share your prob.. eheheh

at para sakin loyalty is the best policy.. Smile

she will tell you na miss ka na nya whenever she have a chance. (busy kase masyado) sa cityville! ahahahah.

very trustworthy…

at higit sa lahat alam kong hindi nya pag iinteresan syota ko kase bawal samin yun! bitay ang hatol! ahaahha!

HAPPY BIRTHDAY SIS LEN (PINKDIARIES)

THE REST OF THE PIX GRIT———————————–>>>>>

Jan
22

familiar kaba sa kasabihang kapag may nagsarang pinto ay wag malungkot dahil siguradong may magbubukas na bintana? ang sabi pa minsan nga ay hindi lang isang bintana ahahah.. at kapag na broken heart ka naman lage sinasabi ng mga malalapit sayo ” wag kang mag alala meron pang darating na mas higit sa kanya”..

ang tanong ikaw, napatunayan mo naba eto? nangyari naba sa buhay mo para paniwalaan ang mga kasabihang eto? marami ba akong tanong?? eh pano hind kapa sumasagot! ahahha..

sige fine! dahil ang author ngayon ay ako, ako  nalang ang sasagot ehehe…. ang masasabi ko lang god is really good Smile or sadyang good girl lang ako kaya mahal nya ako Big Smile.. pano ko nasabi?? napansin ko lang kase, aktwali hindi ko lang napansin talagang ganito palageng nangyayari ehehe.. anyweiz, sa tuwing ako’y nawawalan ng taong minahamahal ehem ehem Grin or should i say on my darkdays or nadapa, ay for some reason ay lageng may dumarating na tao na hindi ko sinasabing susunod na mamahalin ha Smile wag kang advance mag isip! Big Smile basta isang taong magpapangiti o pupukaw ng atention ko which is good kase mababawasan ang bigat ng pinagdadaanan diba? Smile (im not just talking about romantic ways dito ha, pwede rin kaibigan Smile ) oo ako ng defensive! ahahha…
minsan bagong kakilala or minsan ay dati ng kakilala na dati ay parang wala lang, hindi kayo close tapos biglang sa gitna ng iyong kalungkutan biglang may mabubuo na masayang companion kumbaga..

pero hindi sa lahat ay nauuwi sa malalim na samahan, parang dumating lang talaga para mapasaya ka sa oras ng kailangan mong ngumiti pero minsan naman ayun humahantong sa malalim na malalim ahahaa.. (un na yon!) Grin

life is really full of mystery ika nga, pag may nagsarang pintuan may bintanang magbubukas, nawala lang sya dahil darating ang hihigit pa, at isama na natin ang everything happens for a reason at sige fine sige na! malay mo nangyari ang lahat para makilala mo na ang destiny mo! shaks! ang chessy!!! Grin (destiny ur feiz!) peace Grin

kaya wag nang malumbay inday Grin
Jan
20

napanuod ko kanina yung show ng abs-cbn na shoutout … naalala ko bigla yung show na lagi ko pinapanuod nuong kabataan ko, yung ang TV.. kung saan sumikat sila claudine barretto, jolina magdangal, marvin agustin, diether ocampo,john lloyd cruz,  kaye abad ( syempre kelangan isingit ko si kaye ko ahahaha) etc etc… grabe sobrang patay na patay ako sa palabas na yun dati, bumili pako ng tshirt nila at ang laki pa ng t-shirt na yun ahaha. parang timang lang Grin.  kung hindi ako nagkakamali siguro mga 15yrs ago na yun.. susme! napaghahalataan ang edad Grin

pero grabe ang laki ng pagbabago ng mga kabataan nuon at ikumpara noon.. dati pag magdamit sila jolina palaging tshirt lang at ngayon halos kita na ang kaluluwa (sorry for the word) kase naman ang babata pa nila wala pang dise otso mga yun.. susme! pero infairness masasabi kong ang gaganda at ang gwagwapo nila ikumpara sa mga talents ng angTV (sorry uli) ahahaha..  at infairness uli ang ganda ko kanina dun ah (erich gonzales) Smile wag nang kumontra at pagbigyan nalang ang batang may sugat ang heart eheheh at ang kilig ako sa gwaponess ng hubby kong si echong dee Grin..

mabalik tayo, infairness for the third time.. ang gaganda at gwapo ng mga batang iyon..at kitang kta mo sa knila ang kaligayahang nararamdaman nila sa ginagawa nila, dahil parang naglalaro lang. bongga dahil kumikita na ng pera nag eenjoy pa! nainggit ako bigla, sana magka work  din ako ng parang naglalaro lang ehehhe.. kaya naman hindi nako nagtataka kung bakit maraming tao lalo na mga kabataan ang  gustong mag artista..

anyways…eto ang isa sa mga episode…

Jan
18

buhay talaga parang life!!
kahapon lang nasa langit ka pero hindi mo alam kinabukasan bagsak sa earth na! (sakit sa heart! ay sa likod pala ) Smile
pero sa ganitong pagkakataon, may dalawang uri ng tao. mahina at malakas, dalawa lang yang pagpipilian mo. tanga ka kung pipiliin mo ang maging mahina.. fine! wag nating tawaging tanga ang mga taong nagpapatalo sa mga problema lalo na kung patungkol sa buhay pag ibig.. dahil lahat tayo alam natin kung gaano kalakas ang kapangyarihan nito, at maaaring kainin ang buong pagkatao mo…

sabi nga nila wala daw permanente sa mundo? naniniwala kaba? MALI! dahil ang pag ibig ay permanente, at hindi na eto mawawala sa ating sistema. maaaring hindi eto magiging permanente sa isang bagay o tao pero hindi eto mawawala sa atin.. ang magmahal..

nakakalungkot lang minsan na nagagamit ang pagmamahal sa maling paraan..ay mali! wala naman sigurong mali sa pagmamahal.. iba iba lang tayo ng pamamaraan kung paano magbigay at magpakita ng pagmamahal.. pero para sa akin ang tunay na magmamahal ay ang taong kayang magbigay ng respeto at loyalty sa taong mahal mo.. hindi ko lang eto binabase sa magkarelasyon, maging sa kaibigan at kapamilya.. nakakalungkot lang at nakakadismaya pag naramdaman mong mawala eto lalo na sa mga taong importante sa atin…

pero sabi ko nga… ang buhay parang life!

maihabol ko lang…
ang pagmamahal ay walang binibilang, ang magmamahal ay hindi mapagmataas, ang pagmamahal ay hindi dapat nanunubok, ang pagmamahal ay hindi maramot, ang pagmamahal ay walang sinusukat… at sa kabila ng lahat ang pag ibig ay IKAW…

at dahil ang pagmamahal ko ay hindi nagbibilang,hindi mapagmataas, hind nanunubok, walang sinusukat at hindi maramot.. ang pagpapalaya sayo ay lugod kong pinapaubaya… dahil ang katahimikan at kaligayahan mo ay nagbibigay ngiti sa puso ko..

masaya akong nakikita kang nakangiti at masaya..
hindi ko man eto makitang muli, alam kong malakas ka..
at kaya mong maging masaya muli wala man ako sa buhay mo..
Jan
14

siguro kung nagsasallita lang blog ko sasabihin nya ” heto kana naman, pinapansin mo na naman ako porke kelangan moko! ” at may kasama pang tse! ahahha..

wala akong gustong mapagbuntungan, kahit mga kaibigan ko at taong mahal ko ayaw kong labasan ng tae ko ahahah.. naka ilang ulit naba nangyari eto? kaya naman here we go again!!! sa pagkakataong nasasaktan, nalulungkot, naghihinayang, nagsisisi.. ilang beses na nga ba ako nagsisisi sa mga nagagawang kong hindi ko sinasadya?? me and my big mouth!!! yah alam kong literal na malaki ang mouth ko ahhahaha. pero mas nakakainis ang laki ng sama ng lumalabas dito minsan pag nasasaktan at nagagalit at kung sinasaniban ay pag iinarte lang Smile

saan na nga ba ako pupunta ngayon??? panindigan ang desisyong ginawa ko kahit nasasaktan o ayusin ang sinirang nagawa para maging masaya uli??

hindi ko alam! basta ang alam ko nakasakit ako at ayaw ko nang makasakit muli.. lalo na sa taong pinakamamahal ko.. makokontento nalang akong titigan ka sa kalayuan, yakapin ka ng pagmamahal ko at halikan sa tulong ng hangin na pareho nating nayayakap..

mananatili akong pwepwesto kung saan mo huli akong iniwan.. kapag dumating ang panahon na maghilom ang mga sugat at pagmamahal ang mangibabaw.. kalabitin mo lang ako at higpit ng yakap ang isasalubong ko sayo.. sa tamang panahon at pagkakataon alam ko magsasalubong ulit tayo dahil alam ko at nararamdaman ko na.. WE ARE MEANT TO BE..

isa lang ang taong gusto kong makasama ko sa pag baba at pagtaas ng araw/buwan.. IKAW..

salamat sa mga ngiting nagpapatatag sakin...
Jan
13

okey… bakit ba okey ang title nito? wala kasi akong maisip na title.. well actually ang posteng eto ay epekto ng panunuood ko ng livestream ahahha.. dahil may napanuod lang ako sa livestream(last nato) Smile at topic nila ay tungkol sa pag ibig. gusto kong sumali sa conversation nila pero malamang pano ko magagawa yun diba? buti nalang may blog ako kaya sige dito nalang ilalabas ang aking opinion Smile

isa sa tumatak sa isip ko ay ang katanungang..

—> paano mo nga ba malalaman kung sya na ang para sayo?? ibig sabihin paano mo malalaman na yung minamahal mo ngayon ay sya na ang itinakda para sayo??

…… well i guess madali lang naman maramdaman yun eh.. naniniwala ako na ang pagmamahal ay nag fafade din sa paglipas ng panahon at maaari din mag fade eto pag hindi kana napapasaya ng iyong bf/ gf.. relationship is not just about love, kailangan mo din eto paghirapan or you need to work it out. hindi lang dapat nagdedepende sa pagmamahal na meron ka.. KAYO.. you have to make sure na napapasaya mo ang ka partner mo.. dalawa kase ang kaligayahan sa isang isang relasyon, meron yung masaya ka nalang dahil mahal mo sya, dahil kasama mo ang taong mahal mo. at ung isa ay masaya ka dahil hindi lang mahal mo sya kundi dahil napapasaya ka rin nito.. we always have to keep in mind na kumapit ka sa relasyong hindi ka lang masaya dahil mahal mo sya kundi dahil nagagawa ka nyang pasayahin.. and thats what we called “healthy relationship”… kase pag kumapit ka nalang sa isang relasyon ng dahil lang sa mahal mo sya dito dumadating ang mga 3rd party, dahil kapag nakakita ka ng taong kaya kang pasayahin doon pumapasok ang confusion. at once na meron nito sa isang relasyon ibig sabihin lang na hindi matatag ang pundasyon ng relasyon.. at yun nga ay dahil hindi mo napapasaya ang partner mo..

sa dami ng sinabi ko.. isa lang ang sagot sa katanungan na nabanggit ko.. kundi… “malalaman mong sya na ang taong para sayo kapag sa kabila ng lahat, ng pagkukulang, kahinaan, at lumipas man ang panahon ay mararamdaman mong hindi nagbabago ang pagmamahal mo bagkus ay lumalalim pa eto” maaring sounds funny sa iba lalo na sa mga taong hindi pa nakakaranas ng pag ibig na wagas.. naks!! hayufff ano bang sinasabi ko! ahahaha.. okey! forget it Smile

-—-> maaari mo bang maging kaibigan ang ex mo?? ikaw kaya mo ba? ehehe….

……. well in my case ahaha.. tsk! Smile lahat ng ex ko ay kaibigan ko.. true! minsan hindi maiiwasan na mapag usapan ang nakaraan nyo pero kapag wala na talgang feeling ay pagtatawanan mo nalang.. sbi ko nga, minsan akala mo mahal mo pa pero ang totoo ang pinagsamahan mo nalang ang mahal mo Smile
but some cases, may mga taong hindi kaya dahil ang sabi bumabalik daw ang feeling kung maging magkaibigan pa kayo, hmmm kung pareho kayong single, yah maaari. pero kung pareho ng my bagong jowa, hindi rin lalo na kung masaya na kayo pareho sa mga bago nyo db?
pero meron namang talagang kahit anong mangyari ay wala na ang feeling at dun nagsisimula ang isang mabuti at magandang pagkakaibigan Smile
pero we have to admit na mahirap i achieve to kase lalo na pag may mga bagong jowa na kayo dahil siguradong magseselos ang gf/bf ahahhah.

-—-> if you love her/him set her/ him free?? hmmmm magpaka hero? Big Smile

….. well in my opinion, if you love someone you have to fight for it.. dahil sabi nga ni bob ong.. Kailangan mong libutin ang buong mundo para lang makaharap ulit ang taong tinalikuran mo.. dahil sa kahit saglit na pagtalikod mo marami ang maaring mangyari…

pero pag totoong mahal mo ang isang tao, wala kang hangad kundi ang kaligayahan nya.. kaya kung kaligayahan nyang wala ka sa buhay nya i guess d’yan lumalabas ang if you love someone set her/him free Smile

( your smile brings smile to me… kaya ng makita kitang masaya no bitterness, masaya ako para sayo coz you deserves it) Smile

OKEY… TAKE IT WHATEVER’S MEANT FOR YOU.. Smile

and you are to me…