Tag-Archive for » sad «

Mar
02

habang tumatanda ako, ay mali bata pa pala ako ehehe.. habang tumalaki ako, teka parang hindi naman ako lumaki kase yung size ko 10yrs ago ay ganun pa rin till now ahaha, sige habang nag kakaisip ako wait lang may isip naman ako kahit nuon pa ah!! haiii habang nagmamature ako. ayan swak na! ahahaha.. sige tuloy na ang kwento Smile yun nga, habang nagmamature ako narerealized ko na isang napaka kumplikado pala ang salitang trust o pagtitiwala.. totoo.. madali etong sabihin, yah i trust you. pero minsan ang hirap pala panindigan kase tao eh, hindi tayo diyos na alam ang ginagawa ng lahat 24/7 at iniisip ang nasa utak ng mga taong nakapaligid satin, kaht pa ng mga taong mahal natin..  kaya bigla ko naisip, ang hirap pala maging judge sa korte, kaya pala nag babase lang sila sa mga ebidensya, sa mga testigo, at statements ng bawat nasasakdal. at binubusisi talaga ng mabuti ang mga pangyayari. kase hindi naman madali ang magbigay ng hatol dahil wala tayong kakayahan na basahin ang nasa utak ng iba..

ako ang taong madaling magtiwala, kase iniisip ko ano naman ang magiging dahilan nila para magsinungaling or traydurin ako.. ang sama nun.nakakahiyang gawin.. at hindi ako ganun ako.. pero tama nga sya.. hindi porke hindi ka ganun ay magiging malinis din ang tingin mo sa iba.. ilang billion ba ang tao sa mundo? ang mundo ay hindi isang paraiso na puno ng mabubuting nilalang..

at isa sa pinaka masakit na pagdadaan mo sa buhay ay ang pagsisisi.. regrets..  pero hindi yun maiiwasan. sasabihin mo sana hindi ko nalang eto ginawa, sana hindi nalang nagbigay ng sobra, sana ginawa ko nlang eto. maraming sana… pero hindi dapat.. dahil ginusto mo yun kaya ginawa mo kaya bakit mo pagsisihan ang isang bagay na ginawa mo dahil ginusto mo diba?.

minsan may mga taong ginagawa nalang ang gusto nilang gawin para hindi sila masaktan, hindi nila iniisip kung tama pa ba o hindi. nananalo ang puso sa utak. at eto ang mga taong mahina.. at mayroon namang mga taong ginagawa nila ang tama at dapat kahit pa ang  kapalit ay ang masaktan sila ng sobra sobra dahil pinaiiral nila ang utak bago ang puso. at sila ang mga taong malakas, matibay at matapang na harapin ang ikababagsak. hindi madali ang masaktan, pwede mo eto ikamatay pag hindi mo nakayaan kaya hindi mo masisisi ang iilan na sundin ang sinasabi ng puso kahit pa ang kapalit ay hindi na tama…

isipin mo nalang na nakayang mong lagpasan ang sakit na pinagdaanan mo nuon bakit hindi ngayon? sa dami ng tao sa mundo hindi lang ikaw ang nasasaktan, kung sila nga nakakaya nilang dalhin bakit hindi mo makakaya db? at ang walang kamatayang everything happens for a reason na lubos kong pinaniniwalaan.. na minsan iniisip ko sa panahong ganito na sana dumating na yung reasons na yun, nakakainip mag hintay ng sinasabing dahilan kung bakit ka nasasaktan ngayon.. bakit kailangan mo munang mamatay bago mo makuha ang sagot?

sabi sa stat ng wag na u sad, andito na me page sa fb.. (paki like na din) ahahaha.. —>Why am I crazily crying for just one person? Not knowing that there are a lot of persons doing the craziest things just to make me smile. Smile —-> yah tama! pero kung iisipin mo din kaht pa ilang million na tao pa ang gustong magpangiti sayo kung iisang tao lang ang nagiging dahilan ng bawat ngiti mo. its useless!!! minsan nakakatawa nalang yung mga quotes na pwedeng magpaluwag ng bigat ng pinagdadaanan mo, pero ang RIYALIDAD ay hindi ganun kadali ang buhay at hindi ganun kadali ang masaktan….

Mar
02

This post is password protected. To view it please enter your password below:


Category: galit mode!  Tags: , , ,  Enter your password to view comments.
Jan
15

This post is password protected. To view it please enter your password below:


Category: emo mode!  Tags: , , , , , , , , ,  Enter your password to view comments.
Jan
14

siguro kung nagsasallita lang blog ko sasabihin nya ” heto kana naman, pinapansin mo na naman ako porke kelangan moko! ” at may kasama pang tse! ahahha..

wala akong gustong mapagbuntungan, kahit mga kaibigan ko at taong mahal ko ayaw kong labasan ng tae ko ahahah.. naka ilang ulit naba nangyari eto? kaya naman here we go again!!! sa pagkakataong nasasaktan, nalulungkot, naghihinayang, nagsisisi.. ilang beses na nga ba ako nagsisisi sa mga nagagawang kong hindi ko sinasadya?? me and my big mouth!!! yah alam kong literal na malaki ang mouth ko ahhahaha. pero mas nakakainis ang laki ng sama ng lumalabas dito minsan pag nasasaktan at nagagalit at kung sinasaniban ay pag iinarte lang Smile

saan na nga ba ako pupunta ngayon??? panindigan ang desisyong ginawa ko kahit nasasaktan o ayusin ang sinirang nagawa para maging masaya uli??

hindi ko alam! basta ang alam ko nakasakit ako at ayaw ko nang makasakit muli.. lalo na sa taong pinakamamahal ko.. makokontento nalang akong titigan ka sa kalayuan, yakapin ka ng pagmamahal ko at halikan sa tulong ng hangin na pareho nating nayayakap..

mananatili akong pwepwesto kung saan mo huli akong iniwan.. kapag dumating ang panahon na maghilom ang mga sugat at pagmamahal ang mangibabaw.. kalabitin mo lang ako at higpit ng yakap ang isasalubong ko sayo.. sa tamang panahon at pagkakataon alam ko magsasalubong ulit tayo dahil alam ko at nararamdaman ko na.. WE ARE MEANT TO BE..

isa lang ang taong gusto kong makasama ko sa pag baba at pagtaas ng araw/buwan.. IKAW..

salamat sa mga ngiting nagpapatatag sakin...
Dec
31

bakit may part II? kase naman nakapag update nako, kaso si ronnel eh nag lipat ng hosting at hindi nasama ang 2 new post ko! tsk! im so pissed off!!

JOWK LANG!!! Smile

halabshu nel! ehehee..  anyways uulitin ko nalang…

nais ko lang magpasalamat sa lahat ng naging bahagi ng aking 2010.. salamat sa mga bloggers na nagpasaya sa mga kulitan, kontest, at mga kaadikan na hangang fb at ym ay hindi pinalagpas…

sa mga bloggers na naging matalik na kaibigan. maraming salamat sa pagdamay sa mga dark days or kaemohan eheheeh.. mahal ko kayo!

sa mga umaway sakin sa loob at labas ng blogosphere.. sige hapi new yr nalang!!!  maputukan sana kayo! jowk ehhehehe… peace on earth Smile

at salamat sa mundo ng blogging.. kung hindi dito ay hindi magiging makulay ang 2010 ko.. weird man pero sa blogosphere umikot ang mundoo ko ng buong 2o10! ahaahha… pero sana next yr hindi na Smile pero syempre hindi naman na mawawala sa buhay ko ang blogging dahil eto ang kadamay ko sa tuwing akoy nag eemote sa buhay ehehehe.. at syempre nandito ang mahal kong kaibigan Smile

samalat sa mga naka lovelife ko! ahahha… sa loob at labas ng blogosphere.. ahahaha.. hanggang sa uulitin! jowk! ahaaha.. salamat sa mga alaala Smile

salamat sa mga pinakamamahal kong pamilya. syempre sa pagmamahal na walang kapantay!

at last but not the least.. yun lang bow!!!

jowk!! ehehhehe…

syempre salamat sa aking pinakamamahal.. sa pagbibigay ng magagandang kulay sa  aking 2010. hindi man perpekto pero sapat na para masabi kong may magandang nangyari sakin sa taong eto..  hindi ako sigurado kung makakasama ka pa  rin sa pag lalakbay ko sa susunod na taon (pero mas masaya kung kasama ka), pero isa lang ang sigurado ako.. sa susunod na taon at sa darating pang taon, habambuhay kitang dadalhin sa aking puso.. salamat sa lahat. at magbago man ang lahat , ang sitwasyon.. hindi magbabago ang nararamdaman ko at habambuhay kong pagpapasalat ang pagbibigay ng pagkakataong makaramdam ng pag ibig na tapat at totoo ng dahil sayo..

SALAMAT SA LAHAT NG ALAALA.. MAHAL KO KAYO!

Aug
02

shaks! AGOSTO NA!

bakit ang bilis ng araw?? BAKIT?!

masasabing kong agosto ang pinaka espesyal na buwan para sakin maliban sa hulyo dahil sa aking kaarawan Grin, espesyal dahil nasanay akong icelebrate ang aming anibersaryo ni 10yrs tuwing sasapit ang ika 15 ng agosto. ahihihi.. pero maliban duon ay nuong nakaraang taon ng agosto naganap ang masasabi kong isa sa pinaka masayang araw ng buhay ko (isama na ang setyempre) Evil Grin at ngayong taon sana ay magaganap uli ang maaring masayang buwan ng taon ko kung hindi ko pinalagpas (mula sa previous post) Fingers Crossed

napakabilis ng panahon, isang taon na ang nakakalipas mula ng naganap ang magandang ala-alang iyon Cry sana my time machine, sana pwede mag wish na ibalik ang panahon, sana pwedeng mag take two. sana sana sana.. pero ang nakaraan ay nakaraan na, mahirap ng bumalik or should i day hindi na maaring maibalik.. bakit kung gaano kabilis ang mga nangyari(pagmamahalan) kasabay ng bilis ng pagpapaalam ay sya namang bagal ng pagtanggal ng pananabik sayo? parang isang tinik na nakaharang na walang sinumang makapag paalis nito? bwiseeetttt…

tuwing sasapit  nalang ba ang agosto at setyembre ay mangungulila ako sayo? kung ganun, pwede bang ihiling na tanggalin nalang sa kalendayo ang dalawang buwan na nabanggit ko..(tama! pag my dumaan na wishing star ay yun ang hihilingin ko) ahahaa..

kaya naman… asahan na ang ma emote na si kayedee sa darating pang araw! (shaks! wag nman sana).. please bear with me… sorry for the inconvenience… Evil Grin

p.s
hindi eto entry para sa KM espesyal edisyon ROTFL

Jul
30

ako’y lutang.. ako’y nahulog sa bangin.. ako’y lito..

gaano ba kasaya ang pakiramdam na alam mong mahal ka ng taong mahal mo??

gaano ba kasarap pakinggan ang salitang mahal kita na magmumula sa taong gusto mong sabihan neto??

pero alam mo ba ang sakit na dulot nito dahil alm mong hanggang duon na nalang yun?…  salitang pwedeng bigkasin.. pakiramdam na masarap yakapin…

saan ba dapat lumugar??

sa  TAMA or GUSTO mo…

sa UTAK or PUSO mo…

gusto kong sabihin na wala akong pakialam sa sasabihin mo! wala akong pakialam sa sasabihin ng iba! dahil ang pakialam ko lang ang sasabihin ng PUSO ko!….. pero…. mahina ako sa konsenya ko!

kaya kong tanggapin ang nakaraan mo pero hindi ang kasinungalingan mo!

im HOPELESS but not DESPERATE
im BLIND but not DAMN
im MARTYR but not STUPID

kakalimutan ko ang mga nangyari.. kakalimutan kong nararamdaman ko.. but i wont forget your ILOVEYOU… a single word that will stick in my heart and stay’s tattoo in my mind..

hanggang dito nalang..

im sorry……

Jul
23

SECOND CHANCE…

ilang beses mo na bang sinabi or hiningi eto sa buhay mo??

madalas hinihingi ko eto sa itaas tuwing kinakausap ko sya.. madalas kasi akong magkamali sa mga desisyong nagagawa ko sa buhay. at hindi naman ako nabibigo dahil binibigay naman nya ang pangalawang pagkakataon na iyon. kahit na madalas eh paulit ulit kong hinihingi sa kanya dahil hindi ko matama tama ang mga bagay na minsang nahihirapan akong gawin. pero nandyan pa rin sya na walang sawa na magbigay sakin ng hindi mabilang na second chance.

IKAW? nagawa mo na bang magbigay ng pangalawang pagkakataon sa mga taong nanghihingi nito sayo?
ilang beses mo na etong hiningi sa mga taong mahalaga sayo or sa buhay mo?

AKO? hindi ko alam pero hindi mahirap para sakin ang mag bigay nito.. minsan hindi lang second ang kaya kong ibigay, third,forth,fifth… nabibigay ko! kaya naiisip ko katangahan na rin minsan! ahaha..(pero lahat my katapusan)

pero bakit may mga taong mahirap etong ibigay sa mga nanghihingi nito sa kanila.. sori pero feeling ko madamot sila. everybody needs a second chance.. kaya nga may salitang pagsisisi ay para maitama ang mga pagkakamali..

at hindi ba mas madaling huminga kapag walang taong nahihirapan dahil sa pagdadamot mo ng pangalawang pagkakataon?, mas madaling kumilos dahil hindi nakakahon ang mundong ginagalawan mo dahil baka magkasalubong kayo? at mas makukuha mo ang kalayaan dahil alam mong nagpalaya ka ng isang damdaming kakakulong sa iyong pagmamahal.

If you have made mistakes, there is always another chance for you. You may have a fresh start any moment you choose, for this thing we call ‘failure’ is not the falling down, but the staying down.



ps.
ang totoo walang pupuntahan ang posteng ito!
may masabi lang! ^^