habang tumatanda ako, ay mali bata pa pala ako ehehe.. habang tumalaki ako, teka parang hindi naman ako lumaki kase yung size ko 10yrs ago ay ganun pa rin till now ahaha, sige habang nag kakaisip ako wait lang may isip naman ako kahit nuon pa ah!! haiii habang nagmamature ako. ayan swak na! ahahaha.. sige tuloy na ang kwento
yun nga, habang nagmamature ako narerealized ko na isang napaka kumplikado pala ang salitang trust o pagtitiwala.. totoo.. madali etong sabihin, yah i trust you. pero minsan ang hirap pala panindigan kase tao eh, hindi tayo diyos na alam ang ginagawa ng lahat 24/7 at iniisip ang nasa utak ng mga taong nakapaligid satin, kaht pa ng mga taong mahal natin.. kaya bigla ko naisip, ang hirap pala maging judge sa korte, kaya pala nag babase lang sila sa mga ebidensya, sa mga testigo, at statements ng bawat nasasakdal. at binubusisi talaga ng mabuti ang mga pangyayari. kase hindi naman madali ang magbigay ng hatol dahil wala tayong kakayahan na basahin ang nasa utak ng iba..
ako ang taong madaling magtiwala, kase iniisip ko ano naman ang magiging dahilan nila para magsinungaling or traydurin ako.. ang sama nun.nakakahiyang gawin.. at hindi ako ganun ako.. pero tama nga sya.. hindi porke hindi ka ganun ay magiging malinis din ang tingin mo sa iba.. ilang billion ba ang tao sa mundo? ang mundo ay hindi isang paraiso na puno ng mabubuting nilalang..
at isa sa pinaka masakit na pagdadaan mo sa buhay ay ang pagsisisi.. regrets.. pero hindi yun maiiwasan. sasabihin mo sana hindi ko nalang eto ginawa, sana hindi nalang nagbigay ng sobra, sana ginawa ko nlang eto. maraming sana… pero hindi dapat.. dahil ginusto mo yun kaya ginawa mo kaya bakit mo pagsisihan ang isang bagay na ginawa mo dahil ginusto mo diba?.
minsan may mga taong ginagawa nalang ang gusto nilang gawin para hindi sila masaktan, hindi nila iniisip kung tama pa ba o hindi. nananalo ang puso sa utak. at eto ang mga taong mahina.. at mayroon namang mga taong ginagawa nila ang tama at dapat kahit pa ang kapalit ay ang masaktan sila ng sobra sobra dahil pinaiiral nila ang utak bago ang puso. at sila ang mga taong malakas, matibay at matapang na harapin ang ikababagsak. hindi madali ang masaktan, pwede mo eto ikamatay pag hindi mo nakayaan kaya hindi mo masisisi ang iilan na sundin ang sinasabi ng puso kahit pa ang kapalit ay hindi na tama…
isipin mo nalang na nakayang mong lagpasan ang sakit na pinagdaanan mo nuon bakit hindi ngayon? sa dami ng tao sa mundo hindi lang ikaw ang nasasaktan, kung sila nga nakakaya nilang dalhin bakit hindi mo makakaya db? at ang walang kamatayang everything happens for a reason na lubos kong pinaniniwalaan.. na minsan iniisip ko sa panahong ganito na sana dumating na yung reasons na yun, nakakainip mag hintay ng sinasabing dahilan kung bakit ka nasasaktan ngayon.. bakit kailangan mo munang mamatay bago mo makuha ang sagot?
sabi sa stat ng wag na u sad, andito na me page sa fb.. (paki like na din) ahahaha.. —&>Why am I crazily crying for just one person? Not knowing that there are a lot of persons doing the craziest things just to make me smile.
—-&> yah tama! pero kung iisipin mo din kaht pa ilang million na tao pa ang gustong magpangiti sayo kung iisang tao lang ang nagiging dahilan ng bawat ngiti mo. its useless!!! minsan nakakatawa nalang yung mga quotes na pwedeng magpaluwag ng bigat ng pinagdadaanan mo, pero ang RIYALIDAD ay hindi ganun kadali ang buhay at hindi ganun kadali ang masaktan….







ikaw na ang mature! xD
Simple lang naman talaga ang buhay, tayo lang naman ang nagpapahirap. Madali din akong magtiwala at I take everything as truth. Sa banda naman na pains. part na ng buhay ang masaktan ang mahalaga natututo tayo.
yehey! tumbling lang!
aray ko talaga sa realidad. subalit kung di mo haharapin ito, mas mabigat- mas walang pagsulong at walang pagbabago.
ika nga choice mo kung magpapaka-mature ka na tanggapin ang iyong mga kahinaan/pagkukulang o habang buhay kang magpakalugmok sa iyong kinalalagyan. bow. hehehe
Tama si pong.
. Life is beautiful and simple with God. 
Hindi masamang gawin ang ninanais na gawin as long as long as hndi ito nakakasama in all aspects…
Naks! Mattured na si Kaydee B— hehehe…
growing wiser. matuto sa mga experience, i-cherish lahat ng magagandang bagay at masasayang sandali. magpatawad at magpatuloy.
ang dami pang ibang pwedeng matutunan at maranasan sa pagma-mature.
magandang araw kayedee!
accepting the reality is half the battle won.
ganyan talaga ang buhay. ang mga problema ang nagbibigay kulay sa buhay.

timangkey recently posted..Timangkey Quotes: Timangkism 101 – Part 14
simple lang ang buhay Kaye, wag mong masyadong dibdibin keep it easy yong iappreciate mo lang lahat ng meron ka at natatamasa mo…
ang ganda ng sinabi ko shaks lng ahahahaha
P.S. Ikaw na ang mature
realidad talaga ang nakakasira ng ating mga pangarap
Ph1l1p recently posted..What can you took from it
Huwag mag padala sa puso at gamitin ang isip. Bilib talaga ako sa tao na isip ang inu una. Matibay at hindi inu una a ng sarili. Minsan nakakaawa kasi sobra silang nasasaktan. Pero sinusunod nila ang nakaka buti sa iba and sa kanila ding sarili.
Jason recently posted..How To Seduce A Woman